"s**t!" mura ko nang marinig ang pangalan ni Finn. Finn Wilhelm, my mortal enemy when it comes to business. While our business is well-known all over the Philippines, and kanila naman na nasa parehong field ng amin ay kilala sa buong Europe.
My ultimate goal ay makilala sa buong mundo. To establish an empire na ako ang nagsimula at hindi dahil trinabaho ng Papa ko. Everyone knows who my father is, kapag naririnig nila ang applying, pangalan niya ang agad nilang ikinakabit.
But when it comes to Finn, that guy loves to compete. Kapag nasa bidding kami ng mga ibinebentang properties sa iba't-ibang parte ng mundo, he always looked me in the eyes para nakipagtunggali.
Pero dahil hindi tayo sanay na natatalo, I makes sure na hindi lahat ng bagay na magustuhan niya ay makukuha niya and with the look of Elyana nang banggitin ang pangalan ng loko niyang asawa, mukhang naging interesado sa iba.
Gusto ko sanang magtanong pa pero mukhang ayaw niyang pag-usapan ang lokong iyon kaya naman nag-isip na lang ako ng ibang maitatanong nang sa ganoon ay maging komportable naman siya sa date namin.
"So, kailan ka pa rito sa Pilipinas?" Pagbubukas ko ng paksa nagtuloy-tuloy na hanggang sa dumating ang order naman.
We ate in silence. I couldn't stop staring at her for some reason, but it wasn't something na masasabi kong I was attracted to her. I saw pain in her eyes. Bagay na naiintindihan ko naman dahil recent lang sila naghiwalay ng kaniyang asawa. She decided to return to the Philippines kung saan siya lumaki and I discovered she is Felicity's best friend at napilit lang nitong makipag-date sa akin.
After eating, nagpatuloy lang kami sa kwentuhan. When I noticed the night was getting deep, I asked her if she would like to have a walk at pinaunlakan niya naman.
I took her to the nearest. May mangilan-ngilang mga taong nakatambay sa mga bench at paisa-isa na ring nag-aalisan sa kanila. Habang naglalakad kami, bigla siyang nagtanong, "Bakit nga pala mukhang mainit ulo mo kaninang umaga?"
I saw a bench na bakante. I halted and took my handkerchief inside my pants pocket nang makita kong may moist sa uupuan namin. Pinunasan ko muna bago siya pinaupo at dahil sa ginawa ko, I saw a different smile on her face.
"Thank you," aniya bago naupo. I saw her smile for the first time that night na masasabi kong tunay kumpara sa mga halatang napipilitan lang habang nasa retaurant kami.
"You're welcome," sagot ko at Taupo na sa kaniyang tabi. I made sure there was a decent distance sa pagitan namin dahil pang dalawang tao lang ang konkretong upuan.
Tama ang pasya kong maglakad muna at doon siya dalhin. The night was peaceful there at presko ang hangin.
"My father and I recently had a fight at after mangyari, he started his cold treatment toward me. He even ignore me sa bahay at madalas pinagtataguan niya ako ngayon." I paused at huminga nang malalim.
Hindi lang halata sa pagkatao ko pero nasasaktan ako sa ginagawa niya. I only have my father at ang mga kamag-anak namin ay nasa mga malalayong bansa kaya mahirap silang makontak. I have a cousin na malapit pero busy naman palagi ang babaeng 'yon dahil sa propesyon niya.
"Napapagod na raw siyang umintindi sa akin kaya mag-asawa na ako. He said I'm giving him so much stress at maigi nang mag-asawa ako para tapos na siya sa pag-iintindi sa akin," dugtong ko na sinamahan ng tawa.
"Mukhang matigas ang ulo mo kaya niya nasabi ang mga 'yon sa'yo."
"I'm not! He's just too old and expecting me to settle down while he's still around. Alam mo naman ang mga matatanda, pangarap din nilang maalagaan mga apo nila, to spoiled them. My father is a sentimental and loving person, he likes kids pero itinatago niya sa pagiging istrikto niya at pasigaw-sigaw lang kahit nag-aalala siya para sa magiging future ko."
Biglang sumagi sa isip ko ang isang payo mula sa kaniya ang I shared it to Elyana. "He told me a few times na humanap raw ako ng gaya ng nanay ko para maranasahan ko ang klase ng pagmamahal na kahit na kailan ay hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong bagay."
"That's sweet."
"Yeah, sweet, but his cold treatment is giving me so much pressure these passed few days kaya nagawa kong mangulit sa kaibigan mo. It was a shame at alam kong naiinis na siya sa akin. Kaya siguro ikaw ang pinakiusapan para makipagkita sa akin tonight."
"I actually understand ang hugot ng Papa mo sa buhay ngayon, nag-iisang anak din kasi ako at parehong tumatanda na rin mga magulang ko." She paused at napalingon sa akin. "Bakit parang ang issue yata lagi rito ay apo para sa mga in-laws at parents natin? At ang edad? Hindi naman karera ang pag-aasawa."
"Tama ka. Iba na rin ngayon mag-isa ang mga tao. Para sa iba, marriage is just a paper. Na ang relasyon ay parang pagpapalit lang ng damit, paiba-iba—
"Gaya mo? I heard you're a playboy, so how come? Bakit hindi ka na lang maghanap ng babae na papayag magpanggap na girlfriend mo?" she interrupted me.
I was quite amazed kung paano niya nagagawang kausapin ako ng diretsyahan. Wala siyang takot sa pagbato ng mga salita na ang ilan pa nga ay halos below the belt na.
Alam ko naman na she didn't meet me para ma-impressed ako sa kaniya, but I was starting to like her.
"You already mentioned the answer. I'm a playboy at dahil d'yan— girls just approach me to play with fire."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. "At wala sa kanila ni minsan nagseryoso sa'yo?" tanong nito.
Natahimik ako. Ilang segundo muna bago ako nakasagot.
"There was one, but our relationship was complicated."
"So, what happened?"
"I stopped seeing her, because I wasn't ready to commit. We were too young. I was naive, hungry for freedom and searching for something extreme and fun."
Tila nag-re-reminisce ang utak ko habang sinasagot ang tanong niya.
"How about now? Paano kung magkita kayo ulit?"
I smiled. Naitanong ko rin iyon noon sa sarili ko. "Kahit magkita kami ngayon, wala nama ng chance. She's happily married at balita ko nag-settle na sila ng family niya abroad. Wala akong balak na manira ng pamilya."
"Wala ng ibang girl? Wala kang nagustuhan after her?" sunod nitong tanong dahilan para sumagi sa isip ko ang isang cute na mukha noong college ako, but that cute face was owned by a primary student.
Ang layo ng edad namin kaya hindi ko na binanggit. I don't want her to judge me because of that.
"There was many that caught my interest, but after a day or two, naglalaho na rin. Iba kasi kapag nakakasama mo na nang ilang beses. Lalo na kapag nalalasing. They slowly show their true nature at sakit sa ulo kapag uncontrollable ang isang babae kapag may tama na ng alak," mahaba kong sagot na sinang-ayunan naman niya.
We took a paused for a minute, enjoying the clear sky and the countless stars in the sky when curiosity struck me. "Ano naman ang maipapayo mo sa akin?"
"About?" she asked.
"About relationship at siguro sa married life na rin. Mga bagay na natutunan mo," paglilinaw ko.
She lowered her head and looked at the empty playground di kalayuan sa kinauupuan namin.
"Take time always. Kilalanin mo muna ang isang tao nang lubos before you jump into something na maari mong i-regret. Every emotions and body languages niya. Hindi lang siya, include her family niya. Alamin mo kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan niya. If her decisions were getting controlled or if she couldn't decide for herself. Napakalaking factor nito lalo na kung ang isa sa inyo ay hinahayaan lang ang family na makisawsaw sa mga buhay ninyo." Sandali siyang huminto bago ipinagpatuloy ang pagpapayo sa akin.
I could feel from every word kung gaano kalalim ang hugot niya. It was clear na base ang mga 'yon sa pinagdaanan niya. With those, I had a clue kung ano bang klaseng tao si Wilhelm.
"How about your opinion on trusting a matchmaker on finding someone?"
Napalingon siya sa akin. Tinaasan ako ng kilay. "Are you doubting my best friend?"
Napalunok ako sa paraan kung paano niya ako titigan. Tumalim kasi ang kaniyang tingin na mistulang may pagbabanta. Nakakatakot tuloy sumagot.
"I-I didn't mean like that."
"Then why it sounds like you do? You have to trust Felicity's ability when it comes to matching people. H'wag mo lang siya i-pressure ulit at baka i-set ka na naman niya sa isang date and something worse pa."
"Don't worry, I won't bother him—I mean her just like this morning. I'll try to be patient enough, pero kasi—I'll be turning 40 soon and my Dad is using that as a reason to pressure every cells I have."
"Life starts at 40 sabi nila, malay mo naman pagtungtong mo ng 40 ay bigla siyang dumating."
"You know—your words give me hope. I'm thankful I get to meet you. Even hindi na tayo magkita after this— I want to stay friends with you."
"I don't see any problems with that." Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang at pumayag siya.
We exchanged numbers at dahil nagpasundo na siya sa driver nila, inihatid ko muna siya sa sasakyan. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan bago ako naglakad patungo sa kotse ko.
While driving, bigla ko na lang naisip. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Wilhelm kapag nalaman niyang I get to meet his ex-wife and we even went on a date?
Knowing him, tiyak na uusok ang ilong ng isang 'yon.
Nakarating ako nang bahay and I saw my Dad. Hindi ko alam kung saan galing pero paakyat na siya ng hagdan at gaya nang nagdaang mga araw, hindi na naman ako pinansin. I tried to be cool at hinayaan na lang muna siya. Maghihintay na lang ako gaya ng sabi ni Elyana. Maybe that gay could truly find the woman for me.