Chapter 8

1380 Words
Florentin's POV I was with a client sa isang restaurant talking about a huge project na sisimulan namin sa susunod na linggo sa Tagaytay nang may matanggap ako ng magkasunod na mensahe galing kay Felicity. [I found a potential match for you.] [Are you free tonight at 7?] Hindi ko inaasahan ang ganoon kabilis na update sa kaniya lalo pa at pinaghihintay na niya ako. I was glad deep inside, but quiet skeptical sa pagkatao ng sinasabi nitong potential match ko kuno. Mabilis akong nag-type nagsagot habang nakikinig sa sinasabi ng isa sa mga sa lunch meeting ko. Kasama ko naman si Pedro nang araw na 'yon at sa galong nitong magmemorya ng mga detalye ay talaga namang maasahan ko siya. [Yes, I'll be free at 7. Tell me where.] Ipinadala ko agad ng tugon ko at wala pang isang minuto ay may sagot na agad ito. Tanging pangalan ng restaurant ang nakasaad. Isang sikat na Asian restaurant sa Makati na brand na ang mga fused cuisine sa Asya na kanilang pinasarap pa. Hindi na ako nag-reply at bumalik na sa meeting. Matapos ang trabaho ko nang araw na 'yon, dumiretso agad ako sa bahay upang makapag-ayos at gaya nang inaasahan, hindi ko mahagilap ang tatay ko para batiin. Wala ito sa madalas niyang pinagtatambayan sa garden at wala rin siya sa study room kung saan siya nagbabasa ng mga libro kapag magsasawa na siyang manood sa TV o di kaya'y mainit ang panahon. Halata naman na iniiwasan niya ako. Kahit mga kasambahay ay idinamay niya pa at maging mga ito ay hindi sinasabi sa akin kung saan ang ama ko. Siguradong binilinan niya ang mga 'yon na huwag ipaalam sa akin kung nasaan siya. Gusto ko pa sana siyang hanapin kung saang parte ng bahay siya nagtatago, but I needed to prepare and leave earlier para hindi ma-late sa napagkasunduang oras. I took a shower and picked a royal long sleeves and black pants. Sinuklay ko lang ang buhok kong may kahabaan na at bahagyang ginulo para magmukhang sexy sa mga mata ng kababaihan. Hindi ko maiwasang mapangisi nang matapos. Isa talaga akong tunay na adonis sa kagwapuhan at karismang taglay. Hindi na kailangan ng pabango at kung ano-anong pamada sa buhok. Ang kagwapuhan ko ang effortless sa lahat ng mga gwapo. 'H'wag na kayong kumontra!' Nang matiyak kong I looked presentable enough sa suot kong damit at sapatos, umalis na ako ng bahay. I reached the Asian restaurant before 7 at dinala ako ng waiter sa pinakagitnang lamesa kung saan halos tanaw ko ang higit walumpung porsyento ng restaurant. Hindi nga lang nakikita mula roon ang kanilang entrance na para bang sinadya. I waited. Lumipas na ang dalawampung minuto pero wala pa rin akong natatanaw na magandang dilag na masasabi kong ang babaeng ipinadala ni Felicity. Sinikap kong kumalma kahit naiinip na. I couldn't stop grinning nang panay tanaw sa akin ng isang babae na nasa di kalayuan. May kasama siyang lalaki na mukhang asawa pa yata niya pero ang atensyon nito ay walang dudang nasa akin. Kung hindi dumaan ang isang waiter at lumapit sa akin ay baka sa direksyon ko pa rin ang tingin nito. Huwag lang sanang mainis ang kaniyang mister at baka ako pa ang awayin dahil inaagaw ko ang atensyon ng kaniyang asawa. "Do you want to order your food now, Sir?" tanong ng serbidor nang makalapit sa akin. Hindi pa ako nagugutom, but I felt I need something to soothe the tension I was feeling dala ng pagkainip sa paghihintay roon. "Just bring me a wine for now. I will get food once the person I will be meeting arrived," sagot ko. "Okay, Sir. I'll be back in a few minutes." Umalis na ito at ilang minuto nga lang ang lumipas at dala-dala na nito ang wine na nasa ice bucket. The waiter poured my glass and left the bottle of Frech wine sa ice bucket bago umalis. Château Lafite Rothschild, masarap ipares sa steak at anumang meat dish. Not the wine I would be drinking sa ganoong sitwasyon na kailangan kong pakalmahin ang utak ko sa pag-iisip nang kung ano-ano pero nabuksan na nito at naisalin na rin sa kopita na naroon. Late na ang ka-date ko sa oras ng usapan. Ayaw ko pa naman din sa lahat ay iyong mga taong walang isang salita. I should be leaving kung tutuusin, but I had a hope na baka dumating. I closed my eyes nang maramdaman ang pagpintig ang ugat sa aking sentido habang ipinapaikot ang pulang likido sa kopita. Bahagya kong inilapit sa aking ilong upang masamyo ang pinaghalong tamis at pait na wine bago ko ininom. Nararamdaman ko ang mga matang nakatunghay sa akin. Mas dumami pa sila habang sumisimsim ako sa kopita ngunit mas pinili kong huwag silang bigyan ng pansin. Inunti-unti ko ang pagsimsim. Nang maubos , muli akong nagsalin. Sampung minuto bago mag-alas otso. Isang napakagandang dilag at waitress ang lumapit sa akin. Natulala ako sa kaniyang ganda. "Sir?" pukaw ng waitress na gumitla sa akin dahilan para mapatayo ako mula sa pagkakaupo. Umalis na ang waitress at iniwan ang magandang dilag. Kitang-kita ang class sa pananamit nito and not too revealing kahit may slit sa isang hita ang suot na itim at mabahang dress. Lumabas din ang taglay nitong ganda dahil sa manipis na makeup nito sa mukha. Sa nipis, kitang-kita ang mga freckless at maliit na nunal sa kaniyang kaliwang pisngi. "Hi! I'm Elyana Begum, I'm the the lady Felicity told you about," pagpapakilala nito sa akin. Ang lumanay ng kaniyang boses. May kahinhinan kung pakikinggan. I was quite mesmerized dahil para siyang anghel, pero parang pamilyar siya sa akin. "I'm very sorry for being late, I got stuck in the traffic." Akala niya siguro ay galit ako dahil late siya. Kanina siguro oo, nang mga sandaling 'yon ay hindi na dahil nandoon na siya. Napalunok ako dahil parang nanuyo ang aking lalamunan at parang timang na nautal nang magsalita na sa kaniyang harapan. "I—I don't mind at all," sagot ko. Ako naman ang ngumiti at nagpakilala, "I-I guess you already know my name, but to be fair, I'm Florentin Generoso." Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamay. Mabilis naman nitong kinuha. Nginitian niya akong muli habang magkadikit ang mga palad namin but seeing her face that close, may bigla akong naalalang tao na tila ba kahawig talaga nito. "Shall we sit?" tanong ni Elyana sa akin na bahagyang natatawa. Natulala na naman kasi ako. Pilit kong iniisip kung sino ang kamukha niya at kung saan ko siya nakita. Nagpaka-gentleman ako at pinaghila siya ng upuan. Tinawag ko na ang waiter to get us food and habang naghihintay ay inisip kong muli kung kamukha nitong babae. Ang sakit aa ulo kung tutuusin. I was thinking kung isa pa sa mga nakikilala ko sa bar o naisama ko sa bahay, pero wala sa memorya ko na may isang babae akong nakasama sa isang gabi na kasama nito. Nalilito na ang utak ko. Halos lahat yata ng nakikita ko ay pamilyar na sa akin. May generic bang mukha at marami na ang magkakahawig? "Malulusaw na yata ako sa katititig mo, Mr. Generoso. I'm a little concerned din na baka mapanis na 'yang laway mo dahil hindi ka nagsasalita," wika nito at nagawa pa akong ngisian na bahagya kong ikinagulat. That smirk was intimidating pero hindi ako nagpadala. "I'm sorry if I'm spacing out. Iniisip ko kasi kung saan kita nakita. You look so much familiar." Nagulat ako nang bigla itong tumawa. "Kaya pala gan'yan ka na lang makatitig. I can't believe you can't recognize," aniya. Salubong na ang kilay ko habang nakatunghay sa kaniya. Tila naaliw ito na clueless na clueless ako sa pagkatao niya. "I'm sorry, but do we know each other?" Bigla itong sumeryoso. "We do. I mean not me, but someone who used to be close to me knows you very well and sees you as his enemy." "Mas lalo yata akong naguluhan. Sino ba itong taong tinutukoy mo?" Sandali itong tumahimik. Bakas ang pang-aalinlangan sa kaniyang mukha kung sasagutin ba ang tanong ko o hindi, but when she opens her mouth again to speak the name, halos mapamura ako dahil someone else's wife was the one I was with that night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD