"Mistake! Ano ba naman ginagawa mo! Hirap na hirap na ko sa pag kawala ni Andrea, tapos dadagdag ka pa!" Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko habang nakayuko sa harapan ni Mommy. Ilang sampal na ang natanggap ko dahil sa ginawa ko. Kung hindi pa hawakan ni Tito Andrew si Mommy baka tuloy tuloy parin ito sa kapapanakit sakin. Kasalanan ko naman ang lahat. Kaya ayos lang. "Gusto mo ibalik si Andrea dito?! Tapos ano? Ikaw ang kapalit? Buhay mo?! Nababaliw ka ba!" galit na galit 'tong nakatingin sa akin pero kitang kita ko pa rin ang pag aalala sa kan'yang mga mata. "M-Mommy..." "Gusto mo iligtas si Andrea?! Sige umalis ka! Wag na wag ka nang babalik dito!" Tumingin ako sa kanya at pinunasan ko ang luha ko. Pareho kaming lumuluha sa harapan nila Tito, Andrew, Steve at ni Anjoe. Si Anjoe nama