Ako 'yung taong walang sinasabihan ng problema kung hindi si Anjoe lang. Si Anjoe lang ang taong pinag kakatiwalaan ko pero sa puntong ito ay kailangan ko ng mapag sasabihan dahil si Anjoe mismo ang problema ko. Hindi ko s'ya maintindihan kung bakit s'ya gano'n. Nang lumabas s'ya sa kwarto ko kagabi ay hindi na s'ya bumalik. Hindi na din ako nakatulog at hindi ko na alam ang gagawin ko. Miski nga ang pag ka tama ko sa alak nawala na lang bigla dahil sa ginawa n'ya. Bigla na lang nag babago ang ugali ni Ivan. Tinawagan ko pa si Leil at Aida para lang pumunta sa Condo ko. Nahihiya pa silang pumasok pero agad ko silang hinatak papasok sa kwarto ko at tinignan sila. Kinuwento ko ng kinuwento ang lahat lahat ng nang yare samin ni Anjoe. Wala akong pinalampas at kahit ang s*x life namin