Nang namataan ko na ang sofa kung nasan ang pwesto namin ay agad kaming dumiretso ni Anjoe don at sinalubong ako nila Aida at Leil ng halik sa pisnge. "Lagi na lang thirty minutes late!" tinawanan ko lang sya at nakipag tanguan naman si Anjoe sa mga kasama namin lalake sa sofa. Umupo agad ako sa tabi ni Liel habang si Anjoe naman ay sa tabi ko. Pinulupot n'ya agad ang kamay nya sa bewang ko at saka hinala padikit sa kanya pero di ko pinansin. "Anong drinks mo?" tanong agad ni Aida sa akin. "Jack daniels." tumingin ako kay Anjoe at tumango lang sya bilang pag sang ayon. "Nandito naman ako kaya ayos lang malasing ka." he kissed my temple. Umorder naman agad si Anjoe ng inumin ko habang ako naman ay nakikipag usap kay Aida at Leil tungkol sa mga lalakeng gusto nila na hindi nila makuha.