Nauna akong bumaba at tumakbo papunta sa labas. Sakto naman na luto na ang menudong niluluto ko at saka ko pinatay ang stove. Hinanda naman nya ang mga plato sa mesa. Kumuha ako ng bowl para lagyan ng ulam at saka nilapag sa mesa 'yon. Kumuha din ako ng isang malaking plato para ilagay don ang kanin at saka nilagay muli sa mesa. "Hindi ba pwedeng sabay na lang tayo bukas?" "Kasama ko si Liel at Aida." sagot ko sa kanya. "O baka kasama naman yung lalakeng panay ang dikit sa'yo." naiiling akong ngumiti sa kanya. "Ako na lang kasi. Tapos pwede ka naman pum---" "Anjoe." napahinto sya sa pag sasalita dahil sa pag tawag ko ng kanyang pangalan. "Nag seselos ka ba?" umiwas lang ito ng tingin at saka sumubo ng kanin. Huminga ako ng malalim at saka nag simula