Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ni Anjoe pag nakita nyang suot suot ko ang dress na binigay sakin ng Ate nya at hindi ang dress na binili n'ya para sakin. Huminga ako ng malalim at pinag masdan ko ang aking sarili sa salamin. Alam kong magagalit na naman 'to sa akin pero wala s'yang choice pag makita n'ya na ako mamaya. Wearing plain red thin strap backless dress na hanggang sa talampakan at may hatid sa parehong hita, mababa pa ang v line nito. Tint lang ang ginamit ko sa muka ko at wala ng iba, gusto kong hubarin ang suot ko. Ayoko talaga ng ganito masyadong revealing pero nakiusap sakin si Angel na suotin ko 'to. Kesa naman magalit sakin si Angel ay sasalubungin ko na lang ang galit sakin ni Anjoe. Saka alam ko naman hindi magagalit sa akin si Anjoe ng mat