Edelweiss's Point of View Bigla akong natakot nang dumilat na ang mga mata niya. Nagbawi ako ng tingin nang mabilisan dahil napatingin ako sa parteng di ko naman talaga dapat tignan kanina. May itatanong lang sana ako pero nakita ko siyang nakapikit at mukhang nagdadasal kaya hindi ko inistorbo. Hinintay ko lang matapos at hindi sinasadyang mapatingin sa bandang baba. Medyo bakat ang umbok doon, ang dibdib niya. Napalunok ako dala ng kaba hindi dahil sa inatake ako ng kamanyakan sa katawan na wala naman ako kahit kaunti. Agaw-pansin naman kasi at kahit makapal ang damit kong pinahiram ay medyo halata pa rin at hindi maitago lalo na't V-cut ang kuwelyo ng pang-itaas. Napaisip tuloy ako kung uso ba rito ang bra sa Harmonia. Wala kasi akong nakita ni isa sa mga nakasampay na damit at mukh