Third-person's Point of View "Mag-ingat kayong lahat. Gabayan nawa kayo ni Bathalang Hiyehe," ani Solana sa mga unang aalis na sina Edelweiss, Sadie at ang grupo ni Adrian. Magkakaroon pa kasi ng isahang paglilitis para sa mga bilanggo at dahil iisa naman ang kanilang kasalanang ginawa ay isahan na lang din sa mismong harapan ng mga mamamayan ng Windy Valley. Humayo na sina Edelweiss. Nagpalit anyo si Sadie at naging ibon habang sina Adrian naman ay maglalakbay sakay ng mga kabayong gamit din ng limang magkakambal sa kanilang paglalakbay at isang binigay ng hari ng Windy Valley kay Adrian bilang isang regalo na rin sa kaniya. Siya ang pinapili at ang isang puting kabayo na may markang itim sa noo ang kaniyang napili. Kaniya-kaniya sila ng misyon na may mga koneksyon. Unang umalis sin