Chapter 78

1958 Words

Sa gabay ni Solana ay nagawa ni Edelweiss na mabilis silang makating sa Devlin. Hindi nga lang sila sabay-sabay dahil hindi kaya ni Edelweiss ang tatlo agad at baka sa ibang lugar sila mapadpad. Nauna si Solana bilang siya ang nakakaalam ng lugar. Sunod si Sadie at panghuli si Adrian na parehong hindi pa nakararating ni minsan sa madilim na lupain. Hindi sila makapaniwala na nasa harapan na nila ang lugar kung nasaan nakakulong ang kanilang mga magulang at parehong lugar kung saan ang libo-libong mga bilanggo ay nakakulong kasama ang mga halang ang kaluluwa at mga mababagsik na nilalang. May dala silang mga baon, kung ano-anong mga uri ng gamot, pamalit na nga damit at tig-iisa nilang mga kumot. Kung gaano sila katagal sa loob ay hindi nila alam at hindi rin nila sigurado kung sapat ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD