Edelweiss's Point of View Dinala kami ng mga lalaki sa isang lugar na mistulang tribo ang set up. Maliwanag ang paligid dahil sa mga sinigaang mga naglalakihang mga kahoy na pinakasentro at sa kaliwa't kanan din ay mayroon na siyang nagpapaliwanag ng kanilang pinaglalagian. Tiyak na ang mga sigang iyon ay hindi hinahayaang mamatay dahil muli silang mababalot ng kadiliman. May mga bahay na mistulang mga tent lamang. May bubong at ang bubong ang siya na ring tabing sa magkabila parte. Ang mga kagamitan ay kanilang hinabi at ginawa lamang gamit ng kanilang mga kamay at simpleng kaalaman base sa mga itsura at pagkakagawa. Walang makinarya at mano-mano lang. Para akong bumalik sa stone age dahil sa mga ayos ng mga tao mula sa pananamit at sa kanilang mga kagamitan. Pero may mga metal din
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books