Nang gabing dumating si Adrian ay nagplano na kami. Tinawag niya ang lahat bukod sa mga bata na naiwan na sa loob ng kweba at ilang matanda na nang husto para makapagpahinga na sila. Nagsimula na siya sa pagsasalita nang naroon na ang lahat. Sa pagbabago't pagdilim ang buwan ay walang kahit sino ang magsisindi ng kandila o lampara sa loob o labas man kweba. Mananatili ang mga bata at may edad sa loob ng kweba sa buong magdamag, maagang kakain ang lahat at lalabas lamang kapag sumikat na ang araw. Ang mga kalalakihan ay magbabantay sa paligid at ang mga kababaihan naman ay sa bukana ng kweba. Lahat ng nabuong plano ay halos kay Adrian lahat galing. Nakabibilib nga niyang talaga dahil kahit sa mga bagay na ito ay may alam na siya. Hindi ako magdududa kong mas mahalin pa siya ng mga mama