Jame's Point of View Hindi ko na naabutan si Adrian. Hindi ko rin alam kung saan siya banda lumiko. Tumakbo ako sa mga kabahayan. Nagbakasakaling makita ko siya sa mga lansangan ngunit wala akong Adrian na nakita. Takbo roon, takbo rito. May narinig akong nabasag sa isang bahay na nalagpasan ko na kasunod ng malakas na sigaw ng isang babae. "Labas! Huwag mong gamitin ang dahilan na anak ka ng hari para paglaruan kami binata! Pamamahay ko ito at hindi ako aalis!" Binalikan ko ang bahay. Pagsilip ko sa bukas na pinto ay nakita kong may hinahampas ng walis tambo ang isang matandang babae. Ang tindig, taas at base na rin sa suot nitong damit ay si Adrian iyon. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Nakataas lang ang dalawang braso ni Adrian at pinoprotektahan ang kaniyang mukha at ulo