Edelweiss's Point of View "Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ni tiya na labis kong ipinagtaka. Sinubukan kong pakiramdam ang sarili ko, ngunit wala namang kakaiba. "A-Anong ibig mong sabihin, tiya? Wala naman. Wala namang kakaiba—" naguguluhan kong sagot at paghingi ng linaw sa kaniyang tanong habang ang kilay ko'y magkasalubong. "Sigurado ka?" seryosong tanong niya at diretso akong tinitigan sa mga mata. Nagtaasan ang balahibo ko bigla. Naninindak kasi, ngunit hindi siya nakakatakot nang husto ngayon hindi gaya noon sa hindi ko malamang dahilan. "O-Oho—" sagot ko na naguguluhan pa rin sa kung anong eksaktong tinutukoy niyang kakaiba. Wala naman ako kasing nararamdaman. Normal lang. Bigla siyang naglakad. Pumasok siya sa loob ng silid niya at maya-maya rin ay lumabas dala ang