“Bakit hindi ko magawang masagot ang tanong Sadie? Madali lang namang sabihin ang oo at hindi,” inis na tanong ni Solana sa kaniyang sarili pagpasok na pagpasok niya sa loob ng kubo. Dumiretso siya pabalik sa tokador kung saan naiwan niya ang mga kagamitan niyang nakatiwangwang nang siya'y lumabas upang ibigay ang dahilan ng pagbisita ng prinsesa sa kaniya. Dinampot niya ang pinakamalaking garapon at ipinatong ang kahoy nitong takip. Akmang iikutin na sana niya, ngunit nahinto pa siya't sandaling natulala. Binitiwan ang garapon at iniwan ang takip na nakapatong saka napahilamos sa mukha gamit ang dalawang kamay. Naiinis siya sa sarili nang mga oras na iyon. Malalaman din naman ng kaniyang estudyante, ngunit hindi niya pa nagawang masabi. Wala na nga ang kapangyarihan ng guardian sa kani