Third-person's Point of View Mahabang paglalakbay nanaman para sa tatlo ang dumaan. Tinahak nila ang ruta na pinakamaikli upang hindi na sila abutin ng isang linggo sa daan at makalipas nga ang apat na araw at tatlong gabi ay nakarating na sila sa Fire Valley. Ang direksyon na ituro ng ginamit na salamanca ni Sadie ay pauwi sa kanilang kubo at nang malapit na silang lumapag ay biglang kinabahan si Edelweiss. Habang nasa himpapawid pa, may namataang tao mula sa ibaba si Adrian. Doon siya nakatingin at sinubukang kilalanin, ngunit hindi niya kilala. Maging si Edelweiss ay nakita rin iyon. Tila namimitas ng mga bulaklak sa hardin ng kaniyang tiya. "Edelweiss!" tawag ni Adrian sa kaniya. Mabilis siya nitong nilingon at itunuro ang lugar kung saan ang babae, ngunit nakita naman na rin niy