Edelweiss's Point of View Lumipas na ang dalawang araw. Akala ko ay agad na makababalik si tiya rito sa Rock Valley. Iyon kasi ang sabi niya kina Sadie at Adrian, ngunit wala pa rin siya magpahanggang ngayon. Nauna pang dumating sa kaniya ang mga ipinangakong tulong ng ama ni Adrian mula sa Water Valley at ang galing sa Fire Valley, at tanging hinihintay na lamang namin ay ang galing sa Windy Valley. Napakarami nilang ipinadala. Mula sa pagkain, maging sa iba't-ibang kasangkapan at mga kasuotan na ipamamahagi sa lahat ng mga mamamayan dito. Nagsiuwian na ang mga dating bilanggo sa kani-kanilang mga bahay at doon na lamang daw sila maghihintay ng pagbabalik ng mahal nila sa buhay. Nakarating na kasi sa malaking parte ng Harmonia ang pagkatalo ni Ramsy at hindi na magkandaugaga ang mga uma