Dinala kaming dalawa ni Ginoong Poro sa isang maluwang na silid ng isang kawal. Napakataas ng pinto. Higit dalawampung talampakan ang taas at napaliit namin ni tatang kung ikukumpara roon. May disenyong dalawang mukha ng bakunawa at dahil dalawa ang nakabukas na pinto, kapag sinasara at magkaharap sila. Walang upuan ni isa akong nakita bukod sa nasa pinadulo na siyang trono ng hari nila. May mga naglalakihang mga rebulto sa magkabilang parte ng silid na aming nadaanan na pila-pila. Estatwa ng mga taong wala halos mga saplot at mga matataas na poste na kung tawagin ay column na pare-pareho ang mga disenyo. Kung hindi ako nagkakamali ay Ionic style ang tawag sa ganoon, iyong may pabilog sa magkabilang parte sa pinakataas mataas at baba nito. Ganoon sa mga nakikita sa mga kaharian sa Athen