Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Bago matulog ay inisip ko ang plano at mga sasabihin ko sa hari ng Water Valley. Maaga akong nagising at habang naghihintay ng paglabas ng araw ay pinagpatuloy ko ang pag-iisip ng paraan para makatulong sa mga mamamayan na pinahihirapan ng sakim at walang pusong si Ramsy. Nang may marinig akong ingay sa labas ay saka lang ako nagpasyang lumabas ng silid. Nakita ko ang matandang mag-asawa na naghahanda na para sa kanilang araw. May nakasalang sa kanilang kalan na takure at nakasalampak ang dalawa sa sahig habang naghihintay kumulo ang tubig. "Magandang umaga po!" bati ko sa kanila. Nagitla ang dalawa nang marinig nang boses ko at sabay silang napalingon sa akin. "Ang aga mo namang nagising! May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Mang Poro na