Nang gabing iyon ay niyaya nila akong sumalo sa kanila sa pagkain. Nakakahiya nga dahil ang dami nila ay makikiagaw pa ako ng kanilang hapunan. Busog naman ako ngunit bawal daw ang tumanggi sa grasya kaya napilitan akong lumapit. Pinaupo ako sa harapan ng lamesa nilang mababa. Nasa lapag lang at maliit. Naroon na ang kanin nila at kung ano-anong mga klase ng ulam na bawat putahe ay kaunti lang ang nakalagay. Karamihan mga isda. Iba't-iba ang sukat at klase. May kangkong din na mukhang nilaga lang. May mga ibang gulay pa naman ngunit sapat na ang kaunting kanin na nasa mangkok sa akin at ang isang hiwa ng isda na may kalakihan na binigay sa akin ng matandang lalaki na nakaupo sa aking tabi. "Kumain kang mabuti binata. Masarap 'yan. Pasensya ka na kung kaunti lang ang naihain namin sa'yo n