Edelweiss’s Point View Matapos naming mapatumba ang lahat mga kawal ng Rock Valley, mahuli si Riego at matagpuan si Ramsy na may laslas sa kaniyang magkabilang pulso ay masasabi kong nagtagumpay kami. Hindi man namin nasunod ang pinakaplanong nabuo, nagawa naman naming mapigilan ang muli sana nilang pagsalakay sa Windy Valley at ang pagdanak ng dugo. Ilang beses kong natanong sa sarili ko, paano na lamang kung hindi? Tiyak na maraming mapapaslang dahil ang balak nila ay salakayin daw ang palasyo, bayan, lahat nga kabahayan at agawin ang trono upang magsimulang muli ng panibago. Hindi ba't napakalaking katangahan naman 'yon? Sisirain lahat tapos gagastos ulit para sa panibago, para sa ano? Ang sabi sa amin ay si Prinsesa Eveth. Dinala siya sa amin ng isa sa mga heneral matapos niyang