Chapter 68

1938 Words

Ang pagtama ng kidlat na iyon ay siyang nagbalik ng malay kay Edelweiss. Hindi lamang malay niya, pati na rin ang buo niyang lakas ay bumalik na. Nakalutang siya sa ere at ang lahat ng mga naglalaban ay nahinto bigla dahil naagaw ng liwanag na nilikha ng kidlat ang kanilang mga atensyon. Kay lapit lamang din kasi kung saan tumama iyon at sino ba ang hindi matatakot sa kidlat? Ang matamaan ng malakas na boltahe na mula sa kalikasan ay tiyak na magkakalasog-lasog ang katawan, ngunit hindi si Edelweiss kaya labis silang nagulat nang makitang buo pa ang katawan nito at ang malala pa, kitang-kita ng lahat na may kuryenteng bumabalot sa buong katawan ng lumulutang na binata. Natamaan man ng kidlat ay wala siyang naramdamang anumang masakit sa kaniyang katawan. May hatid lamang na kiliti ang ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD