Matapos nga naming mananghalian ay bumalik kami sa pagsasanay. Nakapagtataka dahil pati si Adrian nadamay at isinama ni Solana. Habang naglalakad kami ay hindi ako nakatiis at tinanong ko siya kung bakit pati siya isasama. Kung may napag-usapan ba sila ni Solana tungkol doon o ano, ngunit ang sagot niya ay hindi niya alam at wala naman daw itong nabanggit. Ang usapan lang nila ay hahayaan siyang manatili rito hanggang gusto niya. Nagbayad siya dahil nakakahiya raw na makituloy nang libre at nang-agaw pa raw kami ng silid ng babae. Tama naman siya. Mukhang mas lalong naiinis nga si iyong masungit na si Sadie sa amin dahil doon e. Nang makuha ang mga sagot na iyon ay hindi na ako nag-usisa pa. Inisip ko na lang na baka sadyang gusto lang nitong makita ang kakayahan ni Adrian, pero—hangga