Pinaghahanda na kami agad ni Solana sa aming pag-alis. Wala naman akong dapat pang ayusin dahil nasa isang lalagyan naman ang mga damit ko. Iyon lang naman ang damit ko. Ganoon din si Adrian na damit lang din ang dala at may ilang piraso pa siya ng ginto na nasa isang supot na pinakatatago niya sa kailaliman ng dala niyang bag na gawa sa tela gaya ng sa akin. May ilan din siyang isiniksik sa kahoy na swelas ng sapin niya sa paa. Siniksik niya sa loob dahil may butas iyon na kasya ang mga sampung ginto dahil manipis lang naman ang mga iyon, naisiksik niya at hindi rin maingay sa tuwing hahakbang siya. Mautak ano? Mukhang sanay na sany talaga siya sa paglalakbay dahil ang dami niyang alam sa mga bagay-bagay. Pero mabalik tayo— Masakit ang buong katawan ko at pagod na pagod pero heto at ma