Pinilit pang habulin ni Adrian ang kaniyang ama, ngunit hindi na siya nito pinansin. Halatang may itinatago ang hari base sa kilos niya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagbabago ng kaniyang ekspresyon nang sabihin ni Adrian kung saan kami nagbabalak pumunta. Muling tinawag ni Adrian ang palayong hari. Pinagtitinginan na kami ng mga pasyente at manggagamot nila na puro mantsa ng dugo ang kasuotan nilang dating puting-puti. Ang ibang mga pasyente ay masaya ang mga mukha na nakatingin sa akin habang may ilan na hindi maitago sa mga mukha nila ang hapdi ng mga sugat at sakit ng kanilang buong katawan. Nakapanlulumong tignan ang pagamutan nila. Iba ang eksena pala talaga pagkatapos ng madugong sagupaan na unang beses ko pa lamang naranasan. “Ama!” huling pagtawag ni Adrian sa hari, ngu