Ilang ulit akong tinawag ni Solana na Edelweiss. Ipinipilit niya sa akin na ako raw iyon na kaniyang pamangkin mula sa kaniyang nakababatang kapatid na si Alfonce at asawa nitong taga-Water Valley na si Cordelia. Sanggol pa lamang daw ako noong una at huli kaming nagkita. Isang sanggol na bunga ng bawal na pagmamahal ng dalawang taong nakatira sa magkaibang kaharian. May patakaran na ginawa raw kasi ang mga ninuno pa nila o namin na makitid ang mga utak na hindi maaring magsama ang dalawang ipinanganak sa magkaibang kaharian. Isa nga raw akong tunay na taga-Harmonia. Ang magkaibang kulay na mga mata ko ang pruweba ng kasalanang kanilang ginawa, ngunit sa kabila ng pagkukwento niya sa pagkatao ko, ay may nabanggit din siyang ngalan na may kinalaman kay Adrian, si Alana. Kapatid ni Cordeli