Chapter 31

1760 Words

Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko na s'yang hinintay pang pumasok. Basta ko na lang s'ya iniwan. Nilock ko ang kwarto mula sa loob. Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na ganito ang epekto sa akin ng lahat. Takot ako, takot na takot sa mga desisyon. Takot na takot ako mawala at masaktan si Sacarias. Hindi ko gusto makapanakit, hindi ko gusto may maiwan pero ano ba magagawa ko? Anong magagaw ako para manatili pa dito sa mundong 'to. Tanggap ko na noon pa, sobrang tanggap ko na. Pero nang makilala ko si Sacarias ay bigla na lang nag bago. Bigla na lang ako natakot na mawala, bigla na lang nag bago ang lahat. Si Sacarias, mahal na mahal ko. Sobrang mahal na mahal ko s'ya at alam kong masaya s'ya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD