Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko sa kanya. Grabe, hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Wala naman sya sa akin sinasabi tungkol doon tapos si Daddy, handa pa ibigay sa kanya ang Hospital nila para lanh mapakasalan ang anak n'ya. Napailing ako. Kaya naman mag hapon akong nasa bahay at mamayang three am pa ang uwi ni Sacarias. Hindi nagbabago ang kan'yang duty. "Okay ka lang ba, ija?" tumingin ako kay Nanay. "Oo naman po," nakangiting sabi ko. Umupo 'to sa harapan ko. "May problema ka ba? Pwede mo naman sa akin sabihin." huminga ako ng malalim at pinigilan tumulo ang luha ko. "Nag- away ba kayo ni Sacarias?" hindi ako makapag salita. "Ija, pwede mo naman sa akin sabihin ang lahat at wala akong sasabihin kahit ano kay Sacarias." Doon ako napatingin sa kan'ya. Natatakot pa