Maliwanag na ng makarating ako sa Gapan. Tahimik na nasa isang waiting shed ako sa harapan ng primark. Inikot ko ang mga mata ko. Pumasok ako sa loob ng primark at may nakita akong pamilyar na fastfood.
Hindi ko aakalain na ganito dito. Maingay kahit umaga pa lang, maraming nag titinda na vendor, dikit dikit ang mga tindahan. May nag tatawanan na tao na ubod ng lalakas ng boses.
This place...
Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses ko makaalis sa bahay. Ganitong kalayo kaya hindi ko alam anong gagawin ko. Nakakatakot.
Kaya hindi ko alam kung may lumapit sa aking masamang loob at saktan ako. Wala akong magagawa dahil mahina ako, sobrang hina ko. Hindi man ako makatayo sa sariling mga paa ko at ngayon nag susubok ako. Hindi ko alam saan ako mapupunta.
Pumasok ako sa loob at tumingin sa menu na pasok sa budget ng karamihan. Napangiti ako dahil mukang mura ang mga tinda sa probins'ya na 'to.
Sa iba kasi mahal, tulad na lang sa Star University. Talagang mahal ang tinda kaya naman ang allowance ko ay kinukulang pa sa buong buwan. Minsan hindi na ako kumakain ng lunch at buti na lang naging busy ako at halos mapag kasya ko sila sa buong buwan, ang mamahal ng mga tinda kaya ang hirap.
Bumili ako at nag- dine in. Maraming napapatingin sa akin. Pero alam ko namang walang mali sa itsura ko. Naka leggings and jacket ako bitbit ang isang maleta.
Mukha ba akong galing sa layas? Hindi naman 'no? Ayos naman 'tong itsura ko. Saka wala naman akong pake ako iisipin nila basta makakain na ako at susunod ay makakahanap na ako ng tulugan ko. Susunod ay trabaho naman para may makain ako sa araw araw.
Siguro, pagkatapos ko ditong kumain? Hahanap na agad ako. Dahil bumabagsak na ang nga mata ko dahil sa sobrang antok. Kahit maliit na lang muna para lang may tulugan ako kaysa abutin ako sa lansangan.
Nabuhay ako na puro school at bahay lang. Hindi sinasama sa ibang lugar. Pag kasama sila Ate saka lang ako nakakaalis ng maayos at nag sha-shopping kami. Nang natutunan ko 'yun ay nagalit sila mom and dad sa akin kaya inalisan ako ng card.
Pero nong sila ate? Maraming binili? Masaya sila. Pero bakit sa akin ganon?
Ang unfair nila sa akin. Talagang pinaparamdam nila sa akin minsan na hindi ako belong sa pamilya namin. Alam ko naman sinasadya nila sa araw araw kahit si Daddy na madalas ako sigawan at sabihan ng bobo, tanga o ano pa. Pakiramdam ko hindi lang dahil sa bobo ako.
Kasi kahit anong gawin ko? Ako naman pinakamataas sa amin, ako lang ang 1 pero nakukulangan ang parents ko doon, baka may malalim na dahilan.
Dahil hindi ako lalaki? Hindi ko maintindihan.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng kumain. Miss na miss ko na ang ate. Pero alam kong masaya na s'ya dahil balita ko may anak na sila. Ilang taon na kaming hindi nakakapag -usap. Ilang taon na...
Hindi man n'ya ako sinubukan kontakin kahit saan. Alam naman n'ya na sya lang ang kakampi ko sa lahat.
Umorder na ako ng pagkain ko at saka pumunta sa isang upuan. Gusto ko na talaga matulog pero kailangan ko pa mag hanap ng pansamantalang lugar.
Dumating ang pag kain ko ay agad kong binilisan ang pag kain. Gutom na gutom na ako at kailangan ko na din matulog.
Natapos ko ang pag kain ko. Hindi ko alam na meron pa lang hospital sa gilid ng Primark. Tinignan ko 'to.
Good Samaritan...
Is this public or private? When dad force me to took a Bs Biology? I started to know what is the best hospital here in Philippines. The Advantage and DisAdvantage.
Maganda ba dito? Pero kasi ang Hospital nila Mom and Dad, ang daming bad reviews about sa pag walang pera. Pag mahirap ka at walang binaba na pera ay hindi ka ooperahan. Gano'n sila, mas mahalaga ang pera, pero pag mayaman ka? Hindi mo na kailangan pa nang pumila.
Lumabas na ako ng primark.
Saan ako pupunta? Hindi ako pwedeng bumalik sa bahay. Inaantok na ko. Dahil sa pag- iisip ko ay may humila sa bewamg ko. Napatingin ako sa eight wheels na truck.
Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil doon. Hindi ko alam na muntik na ako mawala sa mundo dahil sa pag iisip ko.
Nanginginig ang katawan ko.
"Boss! Sorry!"
"Mag- iingat kayo sa susunod!"
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag salita. Muntik na ako masagasaan? Muntik na akong mamatay. Nanginig ang katawan ko at biglang bumuhos ang luha ko.
Oh gosh! I left at home to have a freedom pero muntik na... dapat ba ako umuwi? Sign ba 'to na kailangan kong umuwi?
"Hey, miss. Are you okay?" i didn't response.
I am still shocked. Hindi ko aakalain na ganon ang mangyayari sa akin. Nanginginig ang katawan ko. Paano kung tuluyan akong nabundol?
Kahit ganito buhay ko? Mayroon akong pagpapahalaga sa buhay ko. Kahit para sa pamilya ko ay hindi mahalaga? Mahalaga pa rin para sa akin.
Mahal na mahal ko ang buhay ko dahil hindi ko alam hanggang saan na lang ako. Alam ko naman hindi ako mag tatagal at anytime mawawala ako pero ayoko sa gano'ng paraan. Marami pa akong gustong gawin...
"s**t! Miss!" tumingin ako sa lalaking pamilyar sa harapan na nay asul mga mata.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Are you okay, Aestria?"
Hindi ako makapag salita. Nakatitig pa rin ako sa kanya habang lumuluha.
"I-I almost..." Pumiyok ako. "...die," nanginginig na sabi ko sa kan'ya.
"Shhh. Tahan na."
Mabilis akong niyakap nito. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Inaya ako nitong sumama sa kanya pumasok sa hospital kung saan s'ya nagta-trabaho. May mga napapatingin sa amin habang naglalakad kaming dalawa.
Huminga ako nang malalim at pilit na pinapakalma sarili ko dahil sa nangyari. Kung ano ano kasi iniisip ko kaya ganito e! Hindi sana ako nag iisip masyado pag nasa daan. Natatakot talaga ako!
Pumasok kami sa elevator at pinindot ang pinakamataas na floor. Lumabas kami doon at pumunta sa kanyang opisina.
Tahimik pa rin ako at hindi nawawala ang nasa isip ko. Pinaupo n'ya ko sa sofa at dahil na din sa kaantukan ay humiga ako, pinanood n'ya ako sa ginagawa ko pero wala na akong pakielam dahil antok na antok na ako! Kahit ilang oras lang.
Nagising na lang ako dahil sa lamig. Bumangon agad ako. Kulay abo ang paligid.
Saka ko lang naalala ang nangyari kanina. Niyakap ko ang sarili ko sa lamig.
That's why i hate working in the hospital. Sobrang lakas ng aircon at pakiramdam ko lagi akong magkakasakit. I hate to be doctor.
Ang lakas ng aircon lalo na dito sa opisina n'ya. Wala bang hinaan 'to? Bakit ganito?
Bumukas ang pinto at tumingin ako doon. May dala 'tong fast food kung saan ako kumain kanina.
"You should eat."
Hindi ko alam kung bakit mabait sa akin ang lalaking 'to or baka may plano s'ya? I still remember that day when he stared my legs. I slapped him hard. Sobrang naiinis ako sa kanya dahil doon.
Ang manyak na lalaking 'to! Hindi ko makakalimutan ang tulad n'ya. Ang titig n'ya at s'ya din unang nakakita sa akin na umiiyak sa harapa ng parents ko, at nakitaan ko nang awa sa akin noong panahong 'yon.
"Why are looking me like that?"
"I still remember that day. You stared my legs like you are thirsty Lion, You are planning something, right?"
Umangat ang gilid ng labi n'ya at mukang tuwang tuwa s'ya sa akin. "Do you think i am stupid! Maybe, i am innocent but i am not stupid!" pumewang 'to sa harapan ko at hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga muka.
Para bang tuwang tuwa s'ya sa itsura ko habang nakatitig kaya naman mas lalo akong nainis sa kan'ya.
"Adorable."
I rolled my eyes. "You should eat. Wala ka pang tulog. You skip your lunch. You should eat and i will call your tito---"
"Tito?" gulat na putol ko sa kan'ya.
I don't remember na pinakilala ako ni daddy sa mga kapatid n'ya kaya sino tatawagin n'ya?
"Dr. Suarez? You are his niece, right?"
Now, i remember. He introduced me to him when i was first year in Biology as his niece.
As his niece, really. Nakakatawa talaga, kahit sa ibang tao? Walang nakakakilala kung sino talaga ako.
"Don't call him." Mahinang sabi ko.
"Why? Why are you here?"
"Meron ka bang pwedeng upahan dito? Kahit magkano?" I ignored his question. Tinaasan n'ya ko ng kilay. "Trabaho din meron ba?" tanong ko pa dito pero parang hindi s'ya makapaniwala sa hinihingi ko.
"Work? As far i know, you are Señorita based what your tito said," napailing ako dahil sa mga pinaniniwalaan n'ya.
Tito? Nakakairita. Hindi na talaga ako babalik sa kanila.
"Are you asking my dad-- i mean tito about me?" i can't help to asked kaya naman naupo s'ya sa kanyang swivel chair.
"No. I-I just heard." Napairap ako. "So? Why are you here?"
"Nag layas ako. Masaya ka na?" nagulat s'ya sa sinabi ko at mukang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Oh? May tanong ka pa ba? Sasagutin ko?" he shook his head.
Tumayo s'ya at binigay sa akin ang isang naka plastic na fastfood. "Eat. You can stay in my place---"
"No way! You are stranger! So, why would i stay in your place?" I said, then he sighed.
At para bang alam n'ya na wala akong tiwala s akan'ya.
"Lock your room always. And sometimes hindi ako umuuwi sa bahay. Hindi ko gawain na mamilit sa babae. Some women are willingly spreading their legs for me---"
"Asshole! What the f**k are you saying?! Bastos ka!" napatigil s'ya at mukang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
Huminga ako nang malalim dahil hinihingal ako sa kakasigaw sa kanya at nakakainis lang! Hindi ko talaga s'ya gusto dahil sa ginagawa n'ya at sinasabi n'ya.
"Eat now. Let's talk later."
Wala na akong magawa ng bumalik s'ya sa upuan n'ya para mag simula ng kumain. Binuksan ko na din ang pag kain ko. I can't help to smile, ang sarap ng fastfood! Bakit hindi ko sinubukan noon pa?