May kumatok sa office ni Doc. Nievez, bumukas 'to at may isang doctora na may dalang paper bag.
"Good afternoon. I am sorry, i am late. I cooked lunch for you." Mukang hindi n'ya ko napapansin. "Oh! Fast food. I told you don't eat unhealthy foods." The doctora said with her sweet voice.
Napanguso ako. Mukang totoo ang sinasabi ni Doctor Sacarias about sa mga babae n'ya.
Ang lumalabas sa bibig nito, halatang nilalandi sya at nakakatawa lang. Siguro wag ko na lang pansinin dahil buhay nila 'yon.
"I-I am free later--"
"Excuse me, Doctor Lim. But i have visitor here." Agad 'tong napatingin sa akin na parang gulat.
Tinaasan ko agad s'ya ng kilay kaya naman napa-ubo s'ya. She looks like chinese.
"Well, hi. Are you his cousin?" mukha ba akong pinsan ng manyak na 'yan? No way!
"No." Mabilis na sagot ko kaya mas binilisan ko pa ang pag kain ko. Natapos ako at pumunta sa table ni Sacarias para ilagay doon.
"Do you have blanket here? I am cold." napatitig s'ya sa akin.
"You are wearing a jacket now but still cold." I nodded to him.
Kinuha n'ya ang kamay ko at mukang alam n'ya na nagsasabi ako ng totoo. "Hatid kita sa bahay. You can rest there." Halos hindi na namin pansinin si Doc Lim.
I nodded to him. Umayos na s'ya. He removed his lab coat. Inside of his lab coat. He's wearing a plain tee- shirt and slacks. He looks formal.
Simple lang ang suot n'ya pero ang gwapo n'ya. Bagay na bagay sa kan'ya--- wait what?!
No, No. Hindi sya gwapo! Manyak s'ya.
"H-How about the food?" Doc Lim butted in.
"I am sorry. This kid needs to go in my place." Doctora nodded.
Kinuha na ni Sacarias ang aking maleta. Nagulat ako ng hapitan ni Sacarias ang bewang ko. Buti na lang nakabawi agad ako, kaya naman nag lakad na kami palabas ng opisina.
Gusto ko sana humiwalay sa kanya pero ang sarap ng init ng katawan nga. Kaya wag na lang, ayos na ako dito. Nakakabawas ng lamig sa pakiramdam.
Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako o ano? Ang mga napapadaan sa aming nurse ay talagang tinitignan ako. Ngumuso ako dahil alam ko na kung bakit.
Akala siguro nila girlfriend ako ng Doctor na 'to. As if naman papatulan ko ang Doctor na 'to. Palihim akong napairap ng sumakay na kami sa elevator. Inalis ko ang kanyang kamay sa bewang ko.
"Tsansing ka din manyak ka 'no?" I glanced him. "Why are you holding my waist? Are you my boyfriend?" tumikhim s'ya.
"Bakit ngayon mo lang tinanggal kung ayaw mo naman pa lang hinahawakan ka."
Bawi n'ya sa akin at ngumiti s'ya.
"Hello! Nakakahiya if tatanggalin ko habang nasa hallway tayo. All nurses are staring us." Tumawa s'ya ng mahina.
"I used to it. I am very handsome, that's why?" umirap ako sa kanya.
Nang bumukas ang elevator ay nauna ako sa kan'yang lumabas. At least i am safe right? Even i am with him. Muka naman s'ya mapagkakatiwalaan 'e. Saka he knows my father. Baka sabihin n'ya. Pumunta kami sa labas at dumiretso agad kami sa kanyang sasakyan.
Napataas ako ng kilay. He's using a black Lexus car. Inayos n'ya ang maleta ko sa likod kaya naman nauna na akong pumasok. May malapit na gasoline dito, malapit sa isang Unitop and pure gold. Hindi ko aakalain na magugulo din pala ang mga tao dito. Maraming vendor na nagkakalat sa lansangan para magtrabaho upang may mapakain sa kanilang mga pamilya.
Pumasok na si Sacarias sa driver seat. I can't help to watching those people are working.
I have a good life but... i feel like i don't have family. We have a big house, but so lonely.
Pero sila, masayang masaya sila nagta- trabaho para sa pamilya nila. May mga bata pa lumalapit sa kanila at mukhang ang iba sinasama ang anak nila sa trabaho.
Umandar na ang sasakyan ni Sacarias kaya nawala sila sa paningin ko. Nakatitig lang ako sa daan at ginagawang pamilyar sa akin ang mga dinadaanan namin.
Huminto kami sa isang malaking gate. May bumukas non kaya pinasok na n'ya ang sasakyan n'ya. Nasa highway ang kanyang bahay at may security din.
Malaki ang bahay, simple. Cream ang kulay ng labas at maayos. "Let's go inside." Hindu ko maiwasan sundan s'ya.
Napahinto pa ako at napatingin sa kanyang hardin. That the place has grass and roses. Really? Roses here?
Pumasok na ako sa loob. Hindi ko maiwasan mapangiti. Parang hindi lalaki ang nakatira sa lugar na 'to. Kulay abo ang paligid. The sofa is color dark blue, the right one is sofa but the other one is sofa bed. He also has fifty four inches tv, i think? I don't know. The glass transparent table has a flower vase. Roses ang nandito.
Napatingin ako sa cabinet kung saan nakasabit ang mga wine or iba pang alcohol drinks.
Mahaba ang cabinet at may mga frame na nandon. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil may picture si Sacarias noong bata pa s'ya kasama ang kanyang kapatid.
He's really handsome. Pareho silang Blue ang mata ng kapatid n'ya lang lalaki, while his sister is color hazel nut. Ang ganda n'ya.
May picture din sila ng mommy n'ya. Pero pansin kong wala silang picture na kasama ang kanyang ama.
Bakit wala? Anong mayro'n? Ulila ba sya sa ama kaya wala tong picture dito?
"Aestria, let's go." Napatingin ako kay Sacarias kaya naman sumunod na ako sa kanya.
Nakaka-inggit. Halatang mahal na mahal s'ya ng mommy n'ya. Wala ata s'yang daddy, siguro? Sa bandang dulo ang aking kwarto. Pumasok ako doon, maayos at wala pang gamit kung hindi isang cabinet at isang queen size bed. Cream ang kulay ng paligid at may isang mesa din doon.
"Pasok."
Sumunod ako sa kan'ya. "Ipapaayos ko 'to kay Manang. Ikaw na mamili kung anong gusto mong kulay ang dapat ilagay sa kwarto mo." Napatango ako.
Mabait naman pala kahit manyak. Pero kailangan ko pa rin s'yang kausapin. Siguro pag- uwi na lang n'ya 'no? He just make a time for me.
"Let's talk later. I have operation later. See you tomorrow?" Tumango ako sa kan'ya.
"Thank you." napatingin s'ya sa akin at ngumiti.
Umalis na s'ya sa kwarto at sumunod na dumating ay si Manang at saka 'yung isang babae na may kabataan din.
"Ija, mamili ka ng kulay na gusto mo. Gusto mo din bang pinturahan ang kwarto na 'to?"
"Hindi na po. Pansamantala lang naman po ako dito." Nagulat s'ya sa sinabi ko.
"H-Hindi mo ba girlfriend ang batang 'yun?" nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Hindi po. Masyado na pong matanda sa akin si Sacarias." natatawang sagot ko dito.
Totoo naman diba? I think he's thirty or something. I don't know. Pero 'yung edad n'ya ay gwapo pa rin. Malakas ang dating.
Natatawa ako dahil baka magmukha na syang sugar daddy ko, hindi naman halata sa mukha ni Sacarias ang edad n'ya dahil ang gwapo nito. Kaya ko lang naman nakaman dahil noong nag aaral ako ay doctor na s'ya.
"Ilan taon ka na ba, ija?"
"Twenty two po." Nilapag n'ya sa harapan ko ang mga bagong kurtina. Hindi ko maiwasan mapangiti.
In my room? Dad never give me a rights to change it in my favorite color. I really love a light pink... so, dito ko lang pala s'ya makakamtam. Sa ibang bahay pa...
Napangiti ako ng mapait. Hinahanap kaya nila ako? Ofcourse, hindi. Bakit nila hahanapin ang tulad kong bobo? Hindi. Hindi sila mag-aaksaya ng oras para sa akin. Ako lang naman 'to.
Huminga ako ng malalim. Tinulungan ko silang ayusin ang kwarto ko. Light pink curtain, bedsheet, pillows, blanket also the towel. Tuwang tuwa akong nahiga sa kama ko.
Hindi ko aakalain sa pag- alis ko sa bahay na 'yun ay makakangiti ako ng ganito na hindi pinipilit ang sarili ko. Since my Ate Aleneya left? I forgot to smile genuinely. Ate Aleah is fine, but unlike with my oldest sister, she's the best. Lahat ng gusto ko, alam n'ya. She always checking me if i am fine, if i am doing okay. I also heard from her the word of 'proud' that i didn't heard from my parents' mouth.
That's why i love her so much.
Si Ate Aleneya ang tumayong Ina sa akin, si Ate Aleneya lang ang nandyan para sa akin. Kaya alam kong mahal na mahal n'ya ako. Kaya lang kailangan n'yang umalis dahil may asawa na s'ya.
Inayos na ko na ang mga gamit ko sa cabinet. Napangiti ako sa mga favorite na damit ko na hindi ko masuot because if them. I like wearing a sexy but dad got mad when he saw wearing a sexy dress.
Ang dami kong hindi nagawa noong nasa puder nila ako. I can't even make a friends because i am busy with studying. They didn't let me to go mall with my classmate.
I am their daughter but i feel like i don't belong in their family.
Huminga ako ng malalim at napagpasyahan nanlang na maligo. Hindi ako inaantok dahil sobrang haba kanina ng tulog ko. Isang sexy shorts ang suot at isang tee- shirt na pink. Naka messy bun ang lagpas balikat kong buhok.
Bumaba ako para pumunta sa kusina.
"Hindi naman pala girlfriend ni Sir. Sacarias 'yun 'no? Sayang! Mas maganda 'yun kay Doctora Lim. Saka ang bait pa, inay!"
"Sayang nga e. Trenta na si Sir. Sacarias pero wala pa ring nobya." Pumasok ako sa kusina na parang walang narinig.
Napangiti ako sa mga narinig ko. "Ano po pwedeng itulong ko?" Nakangiting tanong ko.
"Nako! Hindi na, Ija! Umupo ka na lang d'yan dahil ipagluluto kita ng Sinampalukang manok! Favorite ni Sir. Sacarias 'yun." kumunot ang noo ko.
Simanpalukang manok? What is that?
"W-What is Simanpalukang manok?" gulat silang napatingin sa akin. "It is safe? What is that?"
"Sinampalukang po."
"Sinampalukang. What is that? Masarap 'yun? What is lasa non?" tumikhim si manag sa tanong ko. "Sorry, i don't know what is that." malungkot na sabi ko.
"Hindi ayos lang! Eh yung Adobo alam mo?" tanong nong kasing tanda kong babae.
Hindi ako makapagsalita. Bakit hindi ko alam ang pag kain nila? Ganoon ba sa province?
"Hindi mo din alam?" nahihiyang tango ko. "It's filipino foods!"
"Filipino foods? I heard all filipino foods are masarap! I can't wait to eat the sinampalukang manok!" mukang natuwa sila sa akin.
"Ano ba ang kinakain mo sa in'yo?"
Napaisip ako. Ano nga na? Kung ano lang kasi hinanda sa amin 'yun lang kinakain ko. They didn't introduce the foods to me.
Basta alam ko wala akong alam sa pagkain basta kakain lang ako.
"I don't know." mahinang sabi ko.
"Anak mayaman ka siguro?" Tumango ako sa kanya. "Halata sa kutis mo. Ang ganda! Anong gamit mo?"
"I don't know, too." napasapo s'ya sa ulo.
"Prinsesa ka ba sa inyo?" umiling ako.
Natapos ng iluto ni manang ang Sinampalukang ay agad ko 'to tinikman. Bago ang lasa nito at masarap!
"Can i have rice, manang?" Tumango 'to. "Let's eat na po tayo."
Sumabay na sila sa akin. Halos maubos ko ang kanin sa kaldero. Sinabi ko na ako ang maghuhugas ng plato pero palpak. Nabasag sa lababo ang dalawang plato.
"Sorry po..." mahinang sabi ko.
"Sige na, ija. Magpahinga ka," natatawang sabi nit sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi umalis doon. Umakyat na ako sa taas at dumiretso agad sa room ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti.
Pakiramdam ko magiging masaya ako dito...