Raven's Point of View Dalawang araw na kaming narito sa lupain ng aking mga angkan. Dito ang malaking bilang ng mga Green naninirahan, ngunit may iba ring sa ibang lupain na lumaki at pinalaki ng kanilang mga magulang. Gaya ko at ng ibang mga kaedad ko. Dito ako pinanganak ngunit hindi ako dito lumaki dahil dinala kami noon sa mundo ng mga Mortal upang maging ligtas. Nagawan na namin ng paraan na mabigyan ng maiinom na tubig ang mga mamamayan sa tulong ng mahika ni Ginoong Marion. Pinaiyak niya ang langit sa isang buong magdamag at sapat na ang naipon nilang tubig para sa isang linggo. Umulan man nang magdamag, hindi pa rin sapat upang mapigilan ang pagkamatay ng mga pananim ng mga tagarito. Labis-labis na ang pangamba ng lahat dahil sila ang sentro na pinagkukunan ng mga gulay at pru