Kabanata 5

1510 Words
Celestial Kingdom Lala's Point of View "Nakaalis na ba sila?" tanong ko kay Raven nang makalapit ito. Kasalukuyan akong nagbabasa ng mga bagong ulat nang pumasok siya sa silid-aklatan. "Oo, kakaalis lang," sagot niya sabay nang pag-abot ng isang nakarolyong papel sa akin. "At saan naman 'to naggaling?" nagtataka kong kinuha ang papel at agad at binuklat upang alamin kung ano ang nakatala sa naturang papel. Mukhang napakalayo ng pinanggalingan nito dahil sa bakas ng di mabilang na mantsya ng ko mawari kung anong mga klaseng likido, dahilan para mabura ang ibang mga titik at salita na nakasulat doon. "Isang estranghero ang nagpapaabot sa iyo. Ayaw ibigay ang kan'yang ngalan. Ayon sa kanya ay nagkataong naglalakbay siya at napadaan sa lupain ng mga Green at may isang matanda na nagbigay sa kanya. Nakiusap na ibigay sa sinumang taong mapagkatiwalaan dito sa palasyo upang makarating mismo sa iyo. Ibinilin pa na huwag buksan at panatilihin selyado na makararating sa iyo," mahabang paliwanag ni Raven. Aniya pa, nainspeksyon naman na niya at walang lason o anumang makasasama sa akin ang liham na iyon kaya maari kong basahin. "Bakit sa iyo ibinigay? Mapagkakatiwalaan ka ba?" pabiro kong tanong at mabilis siyang nilingon upang tignan ang kaniyang magiging reaksyon. "Ano sa tingin mo? Tatagal ba akong alalay mo kung hindi?" sagot nito na may pagmamayabang Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa para asarin. Pero mukhang walang epekto dahil sa ekpresyon sa mukha niya at labing nakangisi. "Hay naku! Sadyang wala lang akong pagpipilian dahil hiniling iyon ni Papa. Kaya huwag kang ano r'yan dahil wala lang akong pagpipilian nang panahong iyon." irap ko sa kaniya. "Talaga lang ha! Marami ka kayang mga pagkakataon na palitan ako, bakit di mo ginawa? Kung sa tingin mo na hindi ako mapagkakatiwalan dapat noon pa pinatalsik mo na ako bilang kanang-kamay mo, " sagot niya at pakiramdam ko'y sa paglakataong iyon ay sineryoso't dinibdib niya na ang biro ko. Pero... gusto ko pa sana siyang asarin kaya lang baka mamaya bigla niya akong patubuan ng mga ugat sa paa at gawin niya na lamang akong puno. Pambawi... "Ewan ko nga rin e, baka dahil siguro matagal na kitang kilala... alam mo na ang ugali ko..." napahinto ako't nag-isip ng idadagdag. Unti-unti na kasing nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. Kaso wala na akong maisip. "Tama na nga. Ano bang laman nito?" pag-iiba ko ng usapan sabay baling sa papel na hawak ko't tuluyan na itong binubuklat upang mabasa ang nilalaman. Unang tingin pa lamang sa unang letrang nakasulat ay magsalubong na ang kilay ko. Paano ba naman kasi. Hindi ordinaryong titik ang nakasulat sa papel. Burado man ang ibang mga letra't salita, may mga parte naman na malilinaw pa ang mga pagkakasulat at madali pang mababasa. "Ano naman 'to?" natanong ko sa sarili ngunit nadinig iyon ni Raven at wala man lamang itong imik. "Kaya mo bang basahin 'to?" tanong ko sa kaniya at hinarap ang parteng may sulat sa kaniya. "Hindi," mabilis niyang sagot. Nilapag ko sa lamesa ang papel at tinitigan. Nagbabakasakali na maintindihan ko ang nilalaman ngunit kahit bali-baligtarin ko ang papel ay hindi ko pa rin mabasa gamit ang sarili kong kaalaman. "Patingin nga," wika ni Raven sabay kuha ng papel sa lamesa. Sinubukan niyang basahin ngunit gaya ko ay halata sa mukha niyang hindi niya rin maintindihan ito. Inusisa niya pa rin at ako nama'y naghintay lang ng kaniyang sasabihin. "Parang nakakita na ako ng ganiyong klaseng titik sa mga libro ni Tiyo noon. Baka maari niyang isalin ito para sa atin," wika nito. "Kung nandito lang sana siya ano. Alam mo namang sumama siya sa misyon," sagot ko na hindi maitago ang pagkadismaya't naupo na lamang sa aking silya at sinandal ang aking likod. Ilang araw na ring walang pahinga ang utak ko dahil dami ng mga nangyayari. Heto pa't nadagdagan ng isang panibagong palaisipan. Puwede naman nilang isulat ng maiintindihan ko agad, bakit kailangan pa akong pahirapan nang ganito? Maliban na lang kung napakaimportante nito't ayaw ng nagpaabot na mabasa ng kung sino. Hay buhay! Napasubsob na lang ako sa lamesa matapos makaramdam ng antok. Bahagyang bumigat ang talukap ng mata ko kaya ipinikit ko muna sandali upang makaidlip man lamang ng kaunti bago bumalik sa pag-iisip ng mga solusyon sa napakarami at nagsabay-sabay na mga suliranin. "Wala ka bang tulog kagabi? Bakit parang puyat na puyat ka yata?" narinig kong tanong ni Raven at dahil tinatamad akong sumagot ay tinaas ko na lang ang isang kamay ko at sinara iyon sabay angat ng hinlalaki. Nag-thumbs up. "Bawal matulog dito, kung gusto mo, doon ka sa silid mo. May mga papel pa r'yan sa lamesa, baka mabasa ng laway mo." Ang walang hiya, mas nag-alala pa sa mga kasulatan kesa sa kalusugan ko. "Di tumutulo laway ko kapag natutulog," inis kong sagot na halos pabulong na lamang dahil inaantok talaga ako. "Ayusin mo nga sarili mo. Di ganyan ang Reyna. Baka makita ka pa nila mawala ang paggalang nila sa iyo. Kung talagang inaantok ka sumama ka sa akin may ipapakita ako," "Dito na lang ako. Mas tahimik dito. Ikaw na lang lumabas para mas lalong tumahimik ang paligid," sagot ko pero di ko na napigilan mapadilat nang bigla niya akong hilahin para makatayo. "Hoy! Anong ginagawa mo?" hila ko sa braso ko. "Halika, may ipapakita ako," "Ayaw ko. Dito na lang ako. Kahit kaunting idlip lang. Kahit ilang minuto lang tapos gisingin mo na ako." pakiusap ko sa kaniya ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko at hinihila pa rin niya ito. Napatayo na ako sa kahihila niya. Ano bang laban ng inaantok at sa gising na gising na gaya niya? Di hamak na mas malakas siya at kahit gamitan ko ng kapangyarihan ang isang ito ay kaya nitong gawan ng paraan at baka iitsa niya na lang ako sa lugar na sinasabi niyang gusto niyang ipakita sa akin. "Sumunod ka na lang bago pa may makakita sa iyo na ganyan ang itsura mo." Utos niya at napilitan na akong sumunod dahil tiyak pag-uusapan nanaman ako kung sakaling makita ako ng kung sino na natutulog sa lamesang iyon. Nagpatanggay na lamang ako. Bumitaw rin siya sa pagkakahawak at panghahatak sa akin nang makalabas ng kami ng aklatan. Sa hardin niya ako dinala. Bawat kawal na masasalubong namin ay binabati kami nang nakayuko at hiihintay muna nila kaming makalagpas sa kanila bago sila didiretso ng tayo at pupunta sa kani-kanilang destinasyon. Ngumingiti at binabati ko rin sila. Diretso ang tindig at lakad. Nang lumagpas kami sa mga may puwedeng makakita sa amin ay awtomatikong bumagsak ang balikat ko at naglakad na parang zombie. Sinundan ko lang siya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pagod na ako, inaantok pa. Halos kalahati na lang ang bukas ng mga mata ko sa antok. Sa wakas huminto na rin siya. Tinignan ko ang paligid, saka ko nadiskubre na naroon pala kami sa pinakamalaking puno sa gitna ng hardin. "Anong meron dito, bakit dito mo ako dinala?" tanong ko sa kaniya. "Mas tahimik dito at sariwa ang hangin." narinig kong sabi ni Raven bago siya naupo sa damuhan sa lilim ng puno. Naalala ko pa, ang punong iyon ang inakyat ko noong kasalukuyan pa lamang kaming nagsasanay. Dito ko nadiskubre ang ibang abilidad kong taglay. Mula sa mataas na sanga pababa. Nakigaya na rin akong umupo sa damuhan at sumandal sa isang malaking ugat ng puno. Pinagmasda muna ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin. "Napakabilis ng panahon ano? Hindi ko halos namalayan na tumatanda na pala tayo." Natatawa kong saad. "Ako rin naman. Marami ring araw ang nasayang ko. Mga pagkakataon na nawala," wika naman nito. Mga salitang mukhang may malalim na dahilan kung bakit niya sinambit. Tumingin ako sa langit at biglang napaisip. Malalaki na rin ang mga kapatid ko. Hindi ko man lang sila nakakasama. Minsan nakakainip din ang maging Reyna at isang pagkakamali lang ay maaring makapagpahamak ng iba. Minsan iniisip ko rin, paano kaya kung hindi ako ang napili nila? Paano kung hindi ko ama ang pinalitan ko? Paano kung hindi malakas ang kapangyarihan ko? Saan kaya ako ngayon? Maari siguro na isa lang akong ordinaryong naninilbihan sa palasyo o di kaya ay isang ina na ngayon at nagsisilbi sa aking napangasawa't mga anak. "Nga pala Raven, kelan ka ba mag-aasawa? Tumatanda ka na rin. Mas matanda ka pa sa akin," walang ano-ano kong tanong sa kanya. Napansin kong bahagya siya kumilos at tumanaw sa malayo. Inaantok na ako ngunit nagawa ko pa siyang titigan habang naghihintay ng kaniyang sagot. "Akala ko ba inaantok ka. Bakit andami mong tanong?" "Madami na ba yun? Isa lang naman." Pamimilosopo ko. "Ayan, sa ugali mong 'yan. Malamang tatanda ka talagang dalaga. Hindi mo siniseryoso ang mga bagay-bagay." nanermon pa. "Hay naku. Kung seseryosohin mo lahat ng mga bagay tatanda ka ng maaga. Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko." "Wala akong isasagot d'yan. Nakadepende sa kan'ya ang lahat," sagot niya. "Kanino? Kay Bathalang Neto?" naguguluhan kong tanong. "Hindi, sa gusto kong pakasalan," anito at bigla na lamang akong natigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD