Lala's Point of View Hindi ko lang masabi ng direkta, ngunit masama ang loob ko. Napag-alaman ko kasing ang ibang sa mga ulat galing sa malalayong lupain ay hindi na nakakarating sa akin. Wala naman ibang dapat sisihin sa pangyayaring ito. Si Raven lang naman ang nakatatanggap ng lahat ng mga dumarating na mga liham bago ako. Ang mga iyon ay binabasa niya muna bago niya ipasa sa akin at hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin iyon. Pinagkatiwalaan ko siya sa lahat ng bagay pero nagawa niya pa rin maglihim. Ang labis kong ikinasasama ng loob ay ang napili niya pang itago ay ang mga napakaimportanteng mga impormasyon. Hindi ko siya matanong kung ano ba ang kan'yang motibo ngunit batid kong alam na niya na alam ko na ang ginagawa niyang mga ito. "Iyon lamang po Ginoong Marion. Bukas