Isang ulat nang nagdaang gabi ang dumating sa mismong silid ng Reyna. Iyon ang kakaibang presensiyang naramdaman ni Rue na pumasok sa silid ng dalaga. Isang ibon na may dalang kapirasong papel at pagkatapos nabasa ni Lala gaya nang una'y nagiging dahon na lamang. Mas malaking ibon ang may dala ng ulat, hindi gaya ng nauna na maliit at payat. Binalita lang ni Eros na nakarating na sila sa lupain ng mga Red at nagimbal sa laki na ng parte ng ilog na nagkulay ng dugo. May dahilan naman palang malaki kung bakit ang mga Celestial mula roon ay pumunta mismo sa Reyna upang iparating ng personal ang kanilang problema. Na ang ipinagtataka ni Lala ay kung bakit ang ibang mga ulat ay hindi agad niya natatanggap. Pinapunta niya si Eros roon upang kompirmahin at nang matanggap ang ulat na iyon ay