Nakarating sa lupain ng mga Red sina Eros nang magdadapit-hapon. Sa himpapawid pa lamang ay tanaw na tanaw na nila ang nagkulay dugo na tubig na dati'y isang malinaw at malinis na ilog na ngayo'y naging madumi at ang mga nakakainom ay nagkakasakit.
Lumapag si Knight sa kapatagan at may mga mamamayan roon na agad nagsilapit sa kanila. Isang lalaki ang nagpakilalang si Sandro ang nauna sa kanilang lahat.
Napansin ni Jane na mukhang magkakilala sina Eros at ang lalaki base sa paraan ng kanilang pag-uusap at pagbabatian na animo'y mga magkaibigan na babago na lamang ulit nagkita makalipas ang mahabang panahon.
Siya raw ang napag-ustusan ng kanilang pinaka-pinuno sa lupaing iyon na sumalubong sa kanila. Dinala niya ang grupo ni Eros sa isang malaking bahay na gawa sa malalaking tipak na bato na ginamitan lamang ng matalinong pag-iisip kaya nagawa nilang gawing isang tahanan ang malaking batong iyo
Nang makapasok sa loob ay napansin agad ni Jane ang kulay na mga muebles na kaniyang kinatatayuan. Mula sa pader at kanilang nilalakaran ay bahid na kulay pula na parang dugong basta-bastang ikinalat sa paligid upang masabing may disenyo.
Mahaba ang pasilyo na kanilang tinahak. Huminto sa tapat ng isang bukas at malaking pintuan si Sandro at inanyayahan silang pumasok sa loob. Abala ang lahat ng nasa loob sa paghahain ng mga pagkain sa mahabang lamesa para sa kanilang mga kararating lamang na mga panauhin.
Sa pinakadulo ng mahabang lamesang naroon ay may nakaupong matandang lalaki. Mataba at puti na ang lahat ng hibla ng buhok. Kasalukuyan siyang kumakain ng lapitan siya ng isang buntis na babae at may ibinulong ito sa kaniya.
Napabaling ang matanda sa mga parating.
Hininto ang kan'yang pagkain at tumayo sa kanyang kinuupuan. Malugod sinalubong ang grupo ni Eros at inanyayahan silang maupo na at siya'y saluhan.
*****
Jane's Point of View
Nagkany'a-kan'ya na kami ng upo.
Naupo sa tabi ng matanda ang nagpakilalang si Sandro at tinawag nito ang babaeng buntis at pinaupo na sa bakanteng silya na nasa kaniyang tabi at nang makaupo na'y pinakilala niya ito sa amin bilang kan'yang asawa.
Ang romantiko nilang pagmasdan. Mukhang mga bata pa at masasabi kong unang anak nila ang nasa sinapupunan.
Pinagsisilbihan ni Sandro ang buntis.
Pinaghimay balat ng hipon.
Sa kanilang dalawa lang nagpabik-balik ang tingin ko buong oras na iyon hanggang matapos kaming kumain. Napakasarap ng pagkain, sariwa ang mga lamang dagat na kanilang hinanda. Sabi pa ng matanda ay galing pa sa lupain ng mga Blue iyon na ikinatuwa ko. Matagal na panahon na rin kasi simula ng makadalaw kami doon ni kuya dahil sa sunod-sunod na misyong ibinigay sa amin.
Maging ang Reyna ay di magawang madalaw ang kan'yang pamilya. Hindi sa malayo ito, sadyang wala lang talaga siyang sapat na oras para magawa pa iyon at kung hindi pa siya dadalawin ng mga kapatid niya ay hindi sila magkikita-kitang tatlo.
Ang mag-asawang nasa harap ko ngayon ay nakakainggit. Akala ko'y ako lang ang nakatinggin sa kanila. Maging si Kuya at ang dalawang lalaking kasama.
Nakakapagtaka na wala man lang silang imikan. Kaya nakaisip ako ng paraan.
"Hoy!" pukaw ko sa nakatatanda kong kapatid, sabay sundot sa tagiliran nito. Doon pa naman malakas ang kiliti ng loko.
"Ano ba Jane!?" di niya napigil mapasigaw.
Halatang sa mukha niya na nairita siya sa ginawa ko, lalo pa't naagaw ng pagsigaw niyang iyon ang atensyon ng lahat ng naroon.
Bahagyang natawa ang buntis na nasa harap namin at doon lang sila huminto sa paghaharutan nila mag-asawa.
"Pasensya na po," paghingi ko agad ng paumanhin.
"Para saan?" nagtatakang tanong niya.
"Nakaistorbo po yata sigaw ng Kuya ko hehe,"
Nakakahiya pala. Lahat sila nakatingin sa direksy namin. Pulang-pula ang mukha ni kuya.
"Mukhang naiinip na ang mga kasama mo Eros," nadinig kong wika ng matandang lalaki na katabi ng Ginoo naupo.
"Sandro, mabuti pa'y ihatid mo muna sila sa kanilang magiging silid," utos niya sa lalaki na anak niya pala.
Bakit pakiramdam ko parang nakahinga na nang maluwag ang mga kasama ko? Sabagay ilang araw rin naman kaming walang maayos na tulog dahil sa paglalakbay at hindi man lang kami makahiga ng diretso.
Ilang araw na kaming walang ligo. Maghihilamos, dudumi o iihi, yan ang ginagawa namin kapag lalapag kami upang pagpahingahin si Knight at pakainin.
Ilang minuto lang iyon dahil kaya naman niya lumipad kahit tulog.
"Tara," yaya ni Sandro sa aming apat.
Inalalayan niya muna ang buntis na babae para makatayo sa silyang inuupuan nito at nauna silang naglakad sa'min.
Mahihinuha mong kabuwan na ng babae dahil ang laki na niya tiyan nito. Na-curious tuloy ako. Parang ang sarap maging nanay na mahirap.
Ang buntis na babae ang naghatid sa akin sa magiging silid ko. Nang tanungin ko siya kung ilang buwan na ang tiyan niya, ang sagot niya'y siyam na at malapit na raw niyang iluwal ang bata.
Tama nga ang hula ko. Mababa na kasi ang tiyan niya at bilog na bilog pa ito.
Ang pangalan ng buntis ay Ana, sabi niya ay isang taon na silang kasal at ang pinagbubuntis niya ay kanilang panganay na anak. Kaibigan ni Ginoong Eros ang Tatay ni Sandro, ang matandang lalaki kanina at sa lupaing iyon lumaki ang Ginoo.
Naitanong ko sa kaniya ang nangyayaring misteryo sa ilog. Ayon pa sa kanya ay hindi naman raw ramdam ng mga mayayaman sa lugar ang nangyayari sa paligid dahil nagagawa naman nilang bumili sa kabilang lupain ang tubig at ibang pangangailangan ngunit kawawa raw ang mga walang pambili daw napipilitang magtipid nang husto at napipilitang uminom sa tubig sa ilog kahit ipinagbabawal.
Ang ama ni Sandro ang tumatayong pinuno ng lugar at siya ring humingi ng tulong sa palasyo para maaksyunan agad ang problema. Sinubukan na raw nilang alamin ang dahilan ngunit bigo sila.
"May nakapagsabing maninisid na may nakita raw silang malaking tipak na bato sa ilalim ng tubig noon na naglalabas ng pulang likido. Sinubukan sila iyong basagin para alamin ang nasa loob ngunit wala naman raw silang nakita," wika pa ni Ana.
"Walang nakarating na ulat na ganyan sa palasyo." Pagtataka ko.
"Hindi naman kasi sapat na basehan na iyon dahil kung ano-anong kwento at haka-haka na rin naman ang naririnig namin mula sa mga mamamaya," anito.
Nakarating na kami sa silid ngunit gusto ko pang kuwestyunin siya upang makakuha pa ng sapat na impormasyon.
"Kagaya ng alin?" tanong ko upang kan'yang ituloy ang kwento.
Nabuksan na niya na ang pinto at nauna na siyang pumasok sa loob. Madilim sa loob ngunit ng tuluyan akong makapasok ay nakita kong naglagay siya ng apoy sa mga garapon , gamit ang kapangyarihan niya na nagbigay ng liwanag sa silid. Matapos paliwanagin ang silid ay saka lamang siya nagpatuloy.
"Kagaya ng mga masasamang Duwende na nagtatapon ng lason sa ilog para makaperwisyo sa mga Celestial dito o kaya naman ay dahil sa may bulkan sa ilalim ng ilog na naglalabas ng mga kemikal na naglason sa mga halaman at hayop."
Isang malalim na paglaisipan ang binigay niya sa akin. Ngunit kahit mga kuro-kuro lamang iyon ay makakatulong pa rin upang mahanap namin ang sagot.
Dumungaw na si Sandro sa pinto at tinawag ang kan'yang asawa. Oras na rin daw upang magpahinga siya.
"Puwede mong gamitin ang banyo rito para di ka na lumabas para makaligo. May sabon naman doon at tuwalya," wika ni Ana bago sumama sa kan'yang mister.
"Salamat," sambit ko bago sila makaalis.
Ngumiti siya sa akin at nagpaalam. Sinara niya ang pinto ngunit ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay may narinig akong kumakatok.
Nang buksan ko ay nakita ko si kuya at ang isa pang lalaki. Dala nila ang mga gamit ko. Pinagbuksan ko nang mas malaki ang pinto at siya'y pinapasok.
"Okay ka lang ba mag-isa rito?" tanong ni Kuya bigla.
"Ayos lang, kesa naman kasama ka at hindi makatulog sa lakas ng hilik mo," sinagot ko nang may pang-aasar.
"Ang sama mo talaga," ginulo niya ang buhok ko. Ginawa akong bata.
"Totoo naman, nakakahiya ka sa mapapang-asawa mo ano. Kaya alisin mo na 'yang habit mo," dagdag ko pa.
"Huwag kang mag-alala, hahanap ako ng bingi para walang problema sa kanya ang paghihilik ko," sakay niya sa biro ko.
Natawa na lang ako. Mas mainam nga na bingi na lang.
"Saka hindi maarte kagaya mo!" dugtong niya nang pasigaw.
Bigla akong nilayasan. Nag-walkout na. Hindi talaga siya mananalo sa'kin.
Naiwan akong mag-isa roon na tawang-tawa sa isip batang iyon. Marami Na ang nagsasabi na mas matanda pa akong mag-isip kesa sa kan'ya pero hindi nila alam na napakaswerte ko na siya ang aking kuya.
Matapos malakigo gamit lang ang isang timbang tubig ay natapos na rin ako sa paliligo. Ang lamig ang tubig. Sa lasa ay mukhang tubig ulan na isinahod at kanilang inipon.
Naagpatuyo muna ng buhok bago nahiga at paglapat ko ng likuran ko sa papag ay naglagutok ang mga buto ko at naginhawaan.
"Ay salamat po! Makakatulog na ako nang maayos," usal ko habang nakapikit ang mga mata.
Umpisa na ng aming trabaho bukas kaya kailangan ng sapat na lakas kaya. Agad naman akong nakatulog, dala ng pagod.