Walang sinumang nakaalam nang umalis ang Reyna nang gabing iyon. Palihim itong nagpunta sa kuweba kung saan naroon naninirahan ang kapareha ni Knight at ginamit ang panganay na anak ng Celestial Beast upang kan'yang sakyan papunta sa lupain ng mga Red. Ilang araw at gabi dapat ang paglalakbay na iyon ngunit sa Reyna ay inabot lamang ng isang buong magdamag. Kung bakit? Ginamit niya ang kapangyarihang taglay upang mapabilis ang paglipad ng kan'yang sinakyang nilalang. Nakarating siya sa lugar nang kasingbilis ng hangin. Walang segundo siyang sinayang at dahil gabi na, walang mga gaya ng mga ibon na humarang sa kan'yang daan. Papasikat na ang araw nang siya'y makalapag. Ang lahat ng nakakita sa kaniyang at gulat na gulat. Hindi alam ng iba ang kanilang gagawin at ang isa sa kanila'y nagpa