"Janeeeeeeee!" Malakas na sigaw ni Louie sa harap ng malawak na mapulang ilog. Dali-dili siyang tumalon muli sa tubig at sinisid ang kailaliman nito. Hindi na siya napigilan ng kahit na sino sa kanila na naroon sa bilis ng kilos niya. Mabilis ang galaw ng mga braso't binti. Nagbabakasaling nasa malapit lang ang kan'yang kapatid, ngunit dahil sa tindi ng kulay ng tubig ay wala siyang maaninag. Mistulang mas tumindi pa ang kulay sa kaniyang pangalawang paglusong. Sinubukan niyang gamitin ang kan'yang kapangyarihan upang agad malaman kung nasaan si Jane ngunit wala siyang naramdaman na buhay na nilalang sa paligid. Wala ni isa, kahit pa isang napakaliit na organismo. Wala man siyang makita ay sige pa rin siya sa paglangoy. Nauubusan na siya ng hangin ngunit ayaw niya pa ring umahon. "Nasa