Kabanata 18

2137 Words

Pinilit ni Louie na samahan si Lala sa kaniyang pagsisid sa ilog. Nauwi pa sa pagtatalo iyon dahil baka hindi nito kayanin ang muling lumangoy nang napakalalim. Giniit niyang sanay siya sa tubig at mabuti na raw ang pakiramdam niya. Gusto niya kasing maging gabay nito at para makasiguro na ring hindi mapapahamak ang Reyna. Unang pumayag si Eros, ngunit bago sumang-ayon si Lala ay tiniyak niya munang talagang mabuti na ang pakiramdam ng kaibigan. Lumusong na sila. May lubid na nakadugtong sa kanilang mga bewang. Kagaya ng ipinakita ng Bathala kay Lala, may isang gahiganteng kabibi na nakaharang sa mismong bukana ng kuweba. Kasalukuyang nakabuka ang kabibi kaya walang madaanan papasok sa kuweba. Nagmistulan itong pinto roon at ang pagsara lamang nito ang tanging paraan upang makapasok si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD