Dumating na ang oras ng pagpapataw ng kaparusahan kay Ginoong Marion. Sa harap ng rebulto ng kanilang Bathala si Neto ay nakaluhod ito at nakayuko ang kaniyang ulo. Animo'y nagdarasal, ngunit itinatago lamang nito ang ngisi sa kaniyang mga labi. Naroon ang lahat ng miyembro ng konseho, maliban sa dalawang nasa loob pa ng kanilang kulungan nang mga oras na iyon. Kasama sana silang dalawa sa papatawan ng parusa, ngunit nagbago ang pasya ng Reyna nang magkausap sila ni Marion sa kaniyang selda. Inutos niya kay Raven nang imbestigahan at kuwestiyunin ang dalawang nagkasalan. Isang mabilisang paglilitis ang naganap. Isa sa kanila ang nagsabing napakaraming mga diyamante't gintong itinatago si Marion sa kaniyang silid at nang halungkatin ng mga kawal ay nakita nila ang ilang mga supot na gawa