"Sigurado ka bang di magigising 'yan" tanong ni Raven kay Rue bago sila lumabas ng silid. "Mahihimbing siya hanggang bukas panigurado," sagot ni Rue sa kaniya at mukhang tiyak na tiyak sa kaniyang sagot. Sinulyapan muli ni Raven ang reyna at kinumutan ang kalahati lang ng katawan nito. Nang masigurong ayos na nga ito ay umalis na silang dalawa ni Rue. May kailangan silang puntahan at mas mainam na natutulog doon ang reyna kesa masabak pa sa kung saan. Dumapo sa balikat ni Raven si Rue. Binalot ni Raven ang kaniyang sarili ng kapangyarihan at kasama niyang naglaho si Rue sa isang iglap lang. Wala pang isang minuto ay nakarating na sila sa kanilang pakay na lugar. Tumambad sa kanila ang isang malaking bahay na gawa sa bato at sarado ang malaking pinto pati na ang mga bintana. May kakai