Nagimbal na lamang ang lahat nakasaksi sa nangyari. Si Jane ang pinakaunang lumapit. Lumuhod siya sa tabi ni Raven at nanginginig ang buo niyang katawan. Natataranta kung ano ang dapat niyang gawin. Kung hahawakan ba ang kaibigan, aalisin ang patalim na nakatarak sa dibdib nito o gagamitin ng taglay na kapangyarihan upang mahinto ang pag-agos ng dugo. "R-Raven..." sambit niya sa ngalan ng kaibigan. Nakapikit ang mga mata nito at hindi niya mawari kung humihinga pa. Natatakot siyang hawakan ito upang alamin. Kinakabahan siya habang nakatingin sa kaibigan na hindi na kumikilos sa pagkakahandusay sa lupa. Nakasunod si Exsur kay Jane na lumapit. Dali-dali siyang lumuhod sa tabi ni Raven at at pinulsuhan ang kaniyang pinsan. Si Louie ang nag-utos sa mga kawal na pumunto sa portal at harangi