Nagpatuloy ang pagyanig ng lupa. Ginamit ni Raven at Lala ang kanilang kapangyarihan upang makalabas ng ligtas sa lugar na 'yon bago pa tuluyang gumuho ang kanilang tinitirhang bahay. Yakap ni Lala si Rio at buhat naman ni Raven si Apple na hindi mabitawan ang takot na si Milky. "M-Magkita na lamang tayo sa may ilog!" ani Lala sa kaniyang asawa at una na silang naglaho ni Rio matapos mabalot ng maputing usok. "Tiyo!!" malakas na tawag ni Raven kay Eros nang sila na lamang ni Apple ang naiwan. Nawala rin kasi ito bigla sa paligid. Bumalik siya sa kaniyang silid upang kunin ang ilan sa mahahalagang kagamitan niya na naroon. "Susunod ako sa inyo! Umalis na kayo rito, Raven!" Pasigaw na sagot nito sa kaniyang pamangkin. "Tara na po!" yaya niya rito sabay ilag sa kahoy na malalaglag na sa