Celestial Kingdom Isang oras bago ang pagyanig... Isang kawal ang nag-aatubili sa papasok sa loob ng palasyo matapos matanggap ang isang ulat galing sa nagpapatrolyang kawal malapit sa tahanan ng mga magulang ng dating Reyna. Harap-harapan nitong nasaksihan ang ang walang tigil na pagpupumilit ng mga ligaw na kaluluwa na makapasok sa loob ng harang. Inalisa niya muna nang mabuti ang lahat bago nagpadala ng ulat. Hindi ordinaryong pangyayari lamang ang nagaganap na iyon at iyon lamang ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng ganoon karaming mga ligaw na kaluluwa na nasa iisang lugar. Mabilis na nakarating sa palasyo ang kaniyang alagang uwak na may dala ng maliit na papel na kaniyang inirolyo upang maipasok sa sisidlan na nasa bandang paanan ng kaniyang alaga. Malalim na ang ga