Nang makarating si Trace sa kanilang destinasyon, isang malakas na pagyanig ng lupa ang sumalubong sa kaniya. Tumalungko muna siya dahil nakahihilo ang paggalaw ng lupa nang sandaling 'yon. Dumating na ang iba pang mga kawal na halos mawalan ng balanse sa lakas ng pagyanig sa kanilang lupang tinatapakan. Napakalakas, na halos mabiyak na ang lupa na kanilang kinatatayuan. Lahat sila ay nakabaling sa pinasentro ng lindol at walang iba kundi sa mismong bahay na nasa kanilang harapan lamang. Sumasayaw ang bahay. Sa itsura nito, anumang minuto ay tuluyan na iyong maguguho. "Hintayin muna nating huminto ang pagyanig bago natin pasukin ang loob," pasya ng pinuno ng grupo. "Bakit hihintayin pa? Mukhang nasa loob pa sila," usisa ng isa sa kanila matapos maramdaman ang mga presensiya ng mga nasa