"Ako muna magsasanay sa'yo habang wala ang lolo Eros mo," ani Raven sa aming anak. Matamang kong tinitignan si Rio upang hanapin ang kaba sa kan'ya, ngunit nakapagtatakang wala akong makita at maramdaman kahit na katiting mula sa kaniya. Mukhang nagagalak pa nga ito dahil ang ama niya ang magtuturo ngayong araw. Inabot na ni Raven ang espada. Ang mas maliit ang sukat at mas magaan kumpara sa isa pang hawak ni Raven ang ibinigay niya kay Rio. Shortsword kung tawagin, at Bastard sword naman ang isa pa na di hamak na mas mahaba at mas mabigat. Parehong magkabila ang talim ng mga 'yon, kumpara sa samurai na sa kabilang side lang. Siniyasat ni Rio ang espadang hawak. Nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi habang pinapasadahan ng tingin ang kakaibang disenyo na nasa hawakan. Ako lang ya