"May nais ka bang sabihin sa amin?" tanong ni Lala sa bata matapos nitong lumapit sa kaniya. Kapansin-pansin ang mga mata nitong tila punong-puno ng pag-aalala. Nangangamba matapos maramdaman din ang presensiyang dumating at biglang nawala na pamilyar sa kaniya. Tumango ang bata bilang sagot. Sinenyasan naman agad ni Lala ang asawang si Raven upang gamitin nitong muli ang kakakayahan upang malaman ang nais sabihin ng bata. Kaniya agad itong nilapitan at hinawakan ang isang kamay at habang nakikipagkomunikasyon siya sa batang iyon, bigla na lamang siyang natigilan matapos nitong isa-isahin ang mga lugar na kaniyang naalalang dinaanan habang palayo sa lugar na pinanggalingan. Binalingan ni Raven ang kaniyang tiyuhin na nakamasid sa kanila. "Tiyo, mayroon ka ho bang mapa?" Kunot ang noo at