Kabanata 29

1876 Words

Habang nahihimbing ang lahat, gising na gising naman si Lala at hindi mapalagay mula nang umalis ang kaniyang asawa. Sa nakalipas na apat na taon na nilisan nila ang mundo ng mga Celestial, iyon ang una mula nang sila'y bumalik. Buong akala niya'y magiging payapa na sila at magiging mas ligtas ang kanilang anak na si Rio sa kanilang pagbalik, mas marami pa pala silang kahaharapin na mga problema. Nais niyang isipin na maaring nagkataon lang, pero kilala niya ang Bathala at kaniya na ring nakaharap. Ang lahat daw ng mga nangyayari ay may dahilan at kung anuman ang dahilan ng mga nagaganap sa kasalukuyan sa kaniyang pamilya, hindi niya pa alam. Ang isang ikinakatakot niya, baka mapahamak na naman ang kaniyang mahal. Minsan na itong muntik na nawala sa kaniya matapos malagay sa bingit ng ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD