Kabanata 30

1525 Words

Sumabog na ang liwanag sa kabuuan ng Celestial World ngunit hindi pa rin nakababalik si Raven. Mas lalong sumisidhi ang kabang nararamdaman ni Lala sa bawat nagdadaang mga minuto. Mas higit kung ang bawat mga minutong iyon ay nagiging oras. Tantiya nila'y makababalik ito ng mas mabilis dahil kapangyarihan ng asawa ang kaniyang gagamitin. Subok na iyon lalo na sa mga misyon na madalian dahil ang kilos nito'y kasingbilis ng hangin. Naguguluhan na siya sa dapat gawin. Kinukumbinsi niya ang sarili na h'wag gawin ang nasa isip at sa kabilang banda naman ay may nagsasabi sa kaniyang h'wag. Kating-kati na ang kaniyang mga paa na umalis at salubungin na ito. "Ano kayang nangyari?" Naibulong ni Lala habang nakatanaw sa bintanang bukas mula sa kusina kung saan siya naghahanda ng agahan. Nagpanta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD