Tinutulungan ni Lala si Eros sa pangangalap ng mga kailangang halamang-gamot sa paligid lamang ng kanilang bakuran sa araw-araw bilang paghahanda sa kanilang nalalapit na pagsugod sa tagong laboratoryo. Batid nilang lahat kung gaano kalaking panganib ang kanilang susuungin sa itinakdang araw iyon. Ayaw sana ni Raven na sumama siya sa kanila ngunit ipinilit niya dahil kung sakaling may masugatan daw nang malala ay kakailanganin nila ang tulong niya. Sang-ayon si Eros roon kahit masama ang tingin ni Raven sa kaniya nang mga oras na pinag-uusapan nila ang mga taktika't planong gagawin at habang naghihintay sila ay inabala naman nila ang mga sarili sa paghahanda. Mula sa armas, ang herbal na gamot at mga lason. Gumawa rin ng mga aparato si Eros na may kani-kaniyang kakayahan. May ilan na pam