Kabanata 32

1169 Words

Malungkot na nilapitan ni Knight ang itlog ang kaniyang kapareha na patuloy paring nililimlimam ang kanilang itlog. Umaasang mapipisa pa rin ito kahit halos wala ng maramdamang pagtibok ng puso sa kanilang bunso. Animo'y nag-uusap ang magkapares at bakas sa mga mukha ang walang pag-asa sa sitwasyon na 'yon. Ilang taon din ang kanilang hinintay upang masundan ang kanilang panganay at nakalulungkot sa tuwing may isang itlog ng mga malalaking nilalang ang nasasayang. Hindi talaga maiwasan dahil mismong ang nilalang sa loob ang mahina at hindi na lumalaban at kahit na basagin nila iyon at mailabas ang nasa loob, maliit na tyansa lamang na mabubuhay pa ito. "Ano po kayang pinag-uusapan nila?" tanong ni Rio sa kan'yang Lolo habang pinagmamasdan ang dalawang Celestial Beast sa kanilang harapan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD